[10] New Characters

Începe de la început
                                    

"Anong ikinamatay ng Mommy niya?" ewan ko ba. Parang may kung ano sakin na gustong alamin ang tungkol sa Xander na yon.

"Suicide. Naabutan nalang siyang wala ng buhay sa C.R ng kwarto nilang mag-asawa. Naglaslas siya." sagot ni Kit.

Napatakip ako sa bibig ko sa kabiglaan.

Suicide? Pero bakit naman siya mag-susuicide? Sumasakit nanaman yung ulo ko sa mga nalalaman ko. Hinilot-hilot ko yung sentido ko.

"Oh, masakit nanaman ba?" sabi ni Aya. Kakaupo niya lang uli sa kama ko.

"Ewan ko ba. Napapadalas na nga ito eh." Pumikit ako saglit.

"Sabi ng Family Doctor natin, may nag-trigger nanaman daw sayo about sa past mo kaya sumasakit ang ulo mo. So, tell us, Ada, anong nag-trigger sayo para magkaganyan ka?" mahabang sabi ni Kit.

Nag-isip naman ako.

Wala naman eh.

"Hindi ANO, SINO?" sabat naman ni Aya.

Napamulat ako sa sinabi ni Aya. Posible kayang...

"Si Xander ba, Ada?" sabi ni Yumi.

Tama. Simula nung nakita ko siya at hanggang ngayon na inaalala ko siya sumasakit pa din yung ulo ko.

"Tingin ko... Siya nga yata."

Hindi naman na sila nakapagsalita pa dahil dumating na yung maid na may dalang pagkain.

Anong meron sa Xander na yon?

--

Kinabukasan...

Sinundo nga ako dito ni Kerson sa mismong Mansion para sabay na kaming pumasok.

Wala sana akong balak na pumasok uli ngayon dahil may iba akong nararamdam. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda eh.

Ay wag naman sana.

Si Yu, hindi pa pinapasok dahil sariwa pa yung mga natamo niyang sugat sa ulo at katawan.

Sina Aya at Kit naman  nalang samin umalis.

Ewan ko ba, feeling ko nasira yung araw nila pagkakita kay Kerson eh.

Ito namang si Kerson hindi yon napapansin.

Ang manhid naman nito?

Hinatid niya pa ako hanggang classroom namin para daw siguradong makakarating ako sa room.

Anong akala nito sakin? Nag-di-ditch ako ng class?

Huminto kami sa tapat ng pintuan ng room.

Kainis.

Ang dami kasing matang nakatingin samin.

Para kaming artista eh.

Ito yatang katabi ko pwede pa, pero ako? Ewan.

"Oh pano, thank you uli sa paghatid ah? Sinundo mo na nga ako sa Mansion hinatid mo pa ako hanggang dito sa room. Salamat." nakagiting sabi ko dito sa gwapong nilalang na ito sa harap ko.

"Ah, wait lang." tumingin siya sa paligid at "Attention, please, Good morning co-students Im Kerson Matthew Hellminton announcing that this girl infront of me is ONLY MINE. I guess no ones wanna messed up with me, don't you? Kilala niyo naman siguro ako?" nagtanguan naman yung mga nasa paligid namin.

Ako? Eto, halos ingudngod ko na yung mukha ko sa semento sa sobrang hiya ko.

Im sure, nangangamatis na ko sa pula.

Finding Queen SatanaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum