Chapter 14

17.8K 301 4
                                    

CLARISSE

Dahan-dahan akong napamulat ng mata. Tumambas sakin ang puting kisame, pink na kurtina at--- napakunot ako ng noo at luminga sa paligid. Teka, kwarto ko to a. Pero paano ako napunta dito? Kung tama ang naalala ko, Ice and I were watching a movie last night. At nakakahiya man aminin pero alam kong nakatulog ako sa gitna ng panunuod. Pero wait lang... Meaning binuhat nya ako papunta dito sa kwarto? OMG!!!!

Mabilis akong napabangon at agad na lumabas sa kwarto. Pero ganun na lamang ang dissappointment ko nang hindi ko nakita si Ice sa couch. Sa halip ay maayos nang nakatupi ang kumot na ginamit nya na sa hula ko ay kinuha nya kagabi sa cabinet.

Waaahhh!!! Umalis na sya! Balak ko pa naman sana syang ipagluto ng almusal ngayon. Malungkot na bumalik ako sa loob ng kwarto at kinuha ang cellphone.

60 messages?! Seriously? OA!

I started browsing my inbox. Mas madami ang text ni Meg. Pero nang nakita ko ang kaisa isang text ni Ice, nilagpasan ko ang ibang messages at mas inuna ang text nya.

Kinikilig pa ako habang binabasa ang text ni Ice.

From: Mr. Yelo

Morning, sleepyhead! Sorry hindi ko na nahintay na magising ka. Tumawag kasi ang secretary ko and I need to be in the office early. I forgot may meeting nga pala ako this morning. Pero ok lang ba sayo na sabay tayo maglunch later? My treat. See you!

"WAAAAAHHH!!!!" Nagtatalon ako sa buong kwarto ko. Kulang na nga lang ay tumambling ako.

He asked me out! Magla-lunch daw kami ng sabay! Ohmygosh!

Wait! Anong oras na ba? I have to prepare na. Baka magbago pa ang isip non at bawiin ang free lunch!

I tried to control myself. Nagawa ko naman patahimikin ang utak ko pero hindi ako naging successful sa pagpapatahimik sa puso ko. Grabe! Over sa pagtibok! Nagwawala ng bongga.

Loko talaga yung lalaking yun. May meeting pala this morning ang lakas pa ng loob magyaya na magmovie kami kagabi. Sabi-sabi pa na hindi sya busy. Hay! Ewan ko ba sa lalaking yun. Hindi ko makuha ang trip nya.

Few minutes after, I was already on my way to the office. At exactly 11am ay nakarating na ako sa opisina. Hindi pa nag-iinit ang puwit ko sa pagkakaupo nang pumasok si Ice sa opisina ko smiling so wide.

"Good morning!" Masiglang bati pa nya.

"Wow! Mukhang maganda ang araw mo ngayon a." Puna ko sa kanya.

"There's no reason to block the good vibes today. So, let's go? Maglunch na tayo..."

Hindi na rin ako nag-inarte pa at agad na sumama na sa kanya. Sa restaurant sa ibaba ng building kami kumain. Wala na akong pakialam kung marami akong makain ngayon. Super gutom ako dahil hindi pa ako nag-aalmusal. Mukhang wala naman reklamo si Ice sa dami ng kinain ko. Walang basagan ng trip, ika nga.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now