Chapter 25

18.8K 319 15
                                    

AN:

No updates on weekends. Sa Monday na ulit. Thank you!

Clarisse

Tumagilid ako nang higa. Dumapa sa kama. Pumikit ng mariin. Pero hindi talaga ako makatulog! Argh! Ano bang nangyayari sakin? Ayaw akong patahimikin ng mga sinabi ni Ice sakin noong nasa cruise kami.

“Would you believe if I tell you…… I love you, pinakatitigan ko sya. Pinalagpas ko pa ang ilang segundo at hinintay ang line na ‘Just Kidding!’. Pero hindi nangyari.

 

Nagwawala na ng bongga ang puso ko sa kilig. Hindi ako dapat na nakakaramdam ng ganito. Dapat hindi ako maniwala sa sinasabi nya. Pero masyadong traydor ang puso ko at ayaw makinig sakin.

 

I took a deep breath and focus my attention on the sunset. Alam kong nakatingin pa rin sya sakin and I know na naghihintay sya ng sagot. But what would I tell him?

 

“Don’t you have any reactions?”, sabi nya sakin.

 

“Are you aware of what you just said?”, balik na tanong ko sa kanya. “You know, you don’t have to say things that you might regret later.” I said casually.

 

“I am very much aware, Reese. And I’m not forcing you to believe me right now. But at least, you know…”

 

Natahimik na lang ako sa sinabi nya. Ayoko nang maniwala pa ulit. Ayoko nang mahulog pa sa kanya. Ayoko nang maulit at masaktan sa kaparehong tao na nagging dahilan ng pag-iyak ko nang ilang lingo.

 

Maya-maya ay bumalik na sa port ang cruise para makababa kami. Nauna na akong bumaba kay Ice at hindi na sya hinintay. Akala ko mapakikiharapan ko sya ng maayos. Nang casual. Pero hindi ko pala kaya. Hindi sya matiis ng puso ko kahit na gaano ko sya pigilan.

 

“Reese…” narinig kong sabi ni Ice. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

 

“Just… just give it a rest, Ice. I’m tired. Please…” and without looking back at him, I walked until I reached my hotel suite.

 

Hindi ko alam kung bakit nya nakakayang magsabi magsabi ng mga ganung salita sa isang babae knowing that he has a girlfriend. Hindi man lang ba nya naiisip si Janna kapag ginagawa nya ang mga ganung bagay?

 

Wala na akong nagawa kundi bumangon sa kama. Since ayaw naman akong tantanan ng mga naiisip ko, mas mabuting wag ko na lang pilitin ang sarili kong matulog. Binuksan ko ang lampshade at tiningnan ang oras. It’s 8 in the evening at kasalukuyang nagsasaya ang empleyado ng RCF sa bonfire party. Samantalang ako, nandito sa kwarto dahil sa kakaiwas na magtagpo ulit ang landas namin ni Ice. Paano ko ba sya haharapin? Kahit anong iwas ko naman kasi sa kanya, para syang magnet na kusang lumalapit.

Maya-maya ay may narinig akong katok sa pintuan ng kwarto ko. I walked lazily through the door and opened it.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now