Chapter 19

19.4K 337 15
                                    

CLARISSE

For the nth time, I crumples the tracing paper and threw it into the trash bin. I harshly wiped the tears that continously rolling down my cheeks.

Seriously, kelan ba ako titigil sa pag-iyak? Daig ko pa ang namatayan. Pero parang ganun na nga rin ang nangyari sakin. My heart died. And I dont know if it will come to life again.

"You're crying again..." Agad akong napaangat ng tingin sa may pintuan ng office ko. Automatic na nanlaki ang mata ko nang makilala ko sya.

"Jake! How long have you been standing there?" Totoong Jake ba to? Bakit hindi ko man lang namalayan ang pagdating nya?

"Long enough to witness how you kill yourself." Naglakad sya palapit sa mahogany table ko at umupo sa kaharap na upuan doon. "For God's sake, Clarisse. Do you know what time it is?" Dahil sa sinabi nya ay napatingin ako sa orasan.

11:30pm. Medyo nagulat pa ako. Totoong oras ba yan o niloloko lang ako ng mata ko? O baka naman tumigil na sa pag-andar ang orasan ko at mali na ang oras.

"Let me guess, hindi mo alam na inabot ka na nang ganyang oras dito diba?" Dahan-dahan akong napatango sa sinabi nya. But Jake just smiled. "You need a break, Clarisse. Dont stress yourself too much."

I sighed. "I'm sorry. I dont want you see me in this situation..." Napaangat ako ng tingin ng may maalala. "What are doing here anyway? Yoy should be in Batangas."

"Something whispered to my ear that somebody needs me. So here I am... Iniwan ko ang trabaho ko para sayo." How thoughtful! And I didnt help but smile.

"Come with me..." Napatingala ako sa kanya nung tumayo sya.

"Where to?"

"Sa roof deck. Let's have a sip of bacardi. I brought a bottle of it. Let's go!" He is impossible. Tama bang pumunta dito para lang uminom?

"I cant... I have to finish this..."

"Oh, speaking of that project. I already assigned that to one of the architects here. Wag mo nang problemahin yan. Tama na ang pagsasayang mo ng tracing paper." He said teasingly.

"Are you serious?" I asked.

"Dead serious... Now let's go."

Wala na rin akong nagawa kundi sumama sa kanya sa roof deck. Maybe he's right. I need a break. I need somebody to talk to.

Pumwesto kami sa may gilid ng roof deck kung saan makikita ang buong Manila. Almost 12am na pero busy pa rin sa pagta-trabaho ang mga tao. Parang hindi napapagod.

It has been a month since I left Batangas. Hindi na natuloy ang plano kong pag-stay doon for 3 months dahil sa nangyari. After that incident at the beach, nagpaalam na ako kay Jake kinabukasan na babalik na dito sa Manila. Hindi nya ako pinayagan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang nangyari.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)On viuen les histories. Descobreix ara