Chapter 15

23.4K 336 7
                                    

CLARISSE

"How long are you going to stay there?" hindi ako tumingin kay Ice at nagpatuloy lang sa pagtipa sa keyboard ko. Nakaupo sya sa harap ng table ko.

Naging habit na yata nya ang pagtambay dito sa opisina ko araw-araw. Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula noong tinulungan nya akong bumili ng kotse. At mula noon, hindi na sya pumalya sa pagpunat dito sa opisina. Kesyo may ipapasang report, o may ibibigay na meryenda o kaya naman ay dahil daw wala syang magawa and it bores him talking to himself alone. Not that I mind. Inaamin ko rin naman na nag-eenjoy akong kasama sya.

"3 months... More or less...", sagot ko sa kanya nang hindi pa rin sya tinitingnan. Though I am aware na nakatingin sya sakin.

"Ahh.. Sino naman ang kasama mo don?", muling tanong nya.

"Mga staff ko."

"Meaning kasama si Engr. Alegere?", this time, napatigil na ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.

"Teka nga muna. Bakit ba ang dami mong tanong? Interview ba to? E ano naman kung kasama ko si Jake, ha?", I said almost laughing.

May bagong project kasi ang Robles Construction Firm. At iyon ay ang pagpapatayo ng isang resort sa Batangas. Bagaman naibigay na ni Daddy sakin ang pwesto nya bilang presidente ng kompanya, under training pa rin ako kung paano ako maghandle ng issues sa company. At bilang president, I want to be hands-on when it comes to projects.

Kaya naman sa proyektong ito, gusto kong i-supervise ang bagong plan sa Batangas. We will be staying there for 3 months. Depending on the project's status. Kung mabilis maging stable ang trabaho, mas mabilis akong makakabalik sa Manila. Gusto ko lang masigurong maayos ang lahat bago ko ipagkatiwala sa mga naka-assign na tao. And then from time to time, dadalaw na lang ako dito sa Batangas. Jake, on the other hand, will be the one handling this project as an engineer. Napatunayan na nya sa company ang galing at dedication nya sa trabaho dahil sa mga nagdaang projects na ibinigay sa kanya. And no doubt, magaling naman talaga sya.

Pero sa ngayon, hindi muna sya makakasama sa Batangas dahil kasalukuyan syang nasa Palawan para sa on-going project doon. Susunod na lang sya doon once natapos na sya. Kaya ako na muna ang nag-offer na aasikasao sa mga kailangan habang wala sya.

"Bakit sa Batangas pa? That's too far from Manila." Muling reklamo ni Ice. Naku, patawarin! Konti na lang talaga magtataka na ako sa kinikilos ng lalaking to.

"Iyon nga ang dahilan kung bakit iyon ang napiling location ng client. Malayo sa city and at the same time fresh ang paligid. Most important request iyon. And I'm sure you are very much aware of it.", sabi ko habang matamang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaharap ko.

"Then, fine... I'm going with you." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"You've got to be kidding me!" oh well, ano bang naisipan nya at gusto nyang sumama?

"Sorry, but I'm not. Since sinabi mo na kasama yung engineer na yun, mas dapat akong sumama." relax na sabi nya at sumandal pa sa upuan.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now