Chapter 10

25.7K 365 13
                                    

CLARISSE

"Oh bakit?" Sabi ko agad pagkasagot kosa telepono. Sino pa nga ba ang makulit na caller na to kundi si Mr. Yelo. Ang aga-aga, nang-iistorbo.

"Hello to you, too." He said mockingly. "Anyway, I want you to come with me tomorrow. I'll be visiting a friend."

Tingnan mo ang ungas na to. Hindi lang pala katulong ang turing sakin, alalay pa!

"What? No way, Ice. Tomorrow's Saturday. It's weekend, for god's sake! Hindi mo man lang ba ako pagpapahingahin?" Sobra na to a.

"Pwede ka naman magpahinga pagdating natin dun." Neknek mo, Ice! Gasgas na anh mga dahilan mo! Hmp!

"Ayoko pa rin. Gusto kong magpahinga sa weekend. And besides, may lakad din ako. Sorry." Nang-aasar na sabi ko. Hindi ako basta basta papayag sa gusto nya no?

"You gave your word, Reese. Ganyan ka ba tumanaw ng tulong? After giving you a favor to be the sponsor of your project, ganyan lang ang ibibigay mo?"

I rolled my eyes. Sus! As if naman! E sya naman kasi talaga ang dapat na sponsor. Nagpa-importante lang sya kaya may pilitan na naganap. Tsk! But nevertheless, yeah. Favor na nga rin naman yung ginawa nya.

"Fine! Pero please naman, ibigay mo na sakin ang Saturday. Promise sa Sunday babawi ako. Kahit whole day pa."

"Hmmmn. Sounds good to hear. See you on Sunday then." I can feel his grin on the other line before he hang up.

Napa-face palm na lang ako. Ano ba tong pinasokko? Habang tumatagal yata, mas lumalala ang sitwasyon a.

***

Saturday.

For the nth time, I looked myself in the mirror. So far, nasatisfied naman ako. Ewan ko ba but I feel like dressing in my best today. Siguro dahil alam kong super ganda ni Tanya. Kahit papano, ayoko naman magmukhang alalay sa tabi nya. Hehehe.

Few minutes more, I'm already on my way to the Fajardo's residence. Unlike other rich families, Fajardos live in a private residence. Hindi sila sa sikat na subdivision nakatira. Instead, they chose to build a huge house with the wondrous view of the sea. Being in photography, love ni Tanya ang nature.

Medyo malayo rin ang lugar nila sa bahay so I need to drive hours to reach their place. Nasa gitna ako ng expressway ng naramdaman kong medyo bumabagal ang takbo ng kotse ko.

"Oh no! Wag naman please. Konting tumbling na lang makakarating na ako sa bahay nila Andrew. Wag mo naman akong itirik, o!"

Para akong baliw na paulit ulit kinakausap ang sasakyan ko habang lalong bumabagal ang takbo. Pero hindi nakisama ang lokong sasakyan. Mabuti na lang napihit ko pa ang manibela patabi bago sya tuluyang tumigil.

Waaaahhh!!!! Bakit ngayon ka pa tumirik! GRRRRR!!!! Nasa gitna pa naman ako ng kalsada at panay puno at talahib ang nasa gilid. Walang bahay! And worse, I dont even know how to fix this damn car!

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now