Chapter 3

28.3K 427 22
                                    

AN:

Sorry for the delay, guys. Medyo tinamaan ng katamaran si ako at nawala ako sa sirkulasyon. hehe. I know maraming nagreact sa nangyaring attitude ni fafa Ice. Pero dont cha worry, may dahilan ang lahat. H'wag kayong magalit sakin. haha! Everything happens for a reason. *wink*

Anyway, this chap is dedicated to a super gorgeous girl out there. Camille! This is for you!

Enjoy reading!

Clarisse

 

WAAAAAAHHH!!! Late na ako! First board meeting pa naman na kasama ako tapos ngayon na-late pa ako sa scheduled time. Kung hindi ba naman kasi dahil sa traffic na yan e! GRRR!!!

Agad akong bumaba sa kotse pagtigil ko pa lang sa harap ng building. Ibinigay ko na lang sa guard ang susi ng kotse para sya na ang magdala sa parking lot.

Bukas pa darating ang parents ko pero sabi nila, um-attend na daw ako ng board meeting ng kompanya ngayon since I'll be taking my dad's position soon. But heck! Dahil late na ako nagising, eto ang napala ko.

Lakad takbo na ang ginawa ko papunta sa elevator ng tumunog ang cellphone ko. This is the 3rd time na may tumawag sakin at sigurado ako na ang secretary na naman ni daddy to...

"Hey, Meg... I'm almost there. I'm here at the lobby... Can you give me 10 more minutes? I'll make it fast. I promise!", and with that I turned off my phone.

Agad kong pinindot ang arrow up button pagtapat ko pa lang ng elevator. But the lift's still on its 23rd floor. For goodness sake! Nasa ground floor pa ako at 23 floors pa ang dadaanan non! So I came up to my last resort... STAIRS! E ano ngayon kung aakyat ako sa hagdan ng nakasuot ng 5-inch stilleto?

***

"Good morning, Ma'am... Ok lang ba kayo?", agad na sumalubong si Meg sakin pagpasok ko ng opisina. Malamang nagtaka sya kung bakit hindi ako maayos na nakakalakad.

"Yeah yeah. I'm heading to the board room now...", atubili naman akong sinamahan ni Meg.

Well, to be honest, my feet are really painful! As in! Naghagdan 'lang' naman ako hanggang 5th floor ng building dahil hindi ko matyempuhan ang pag-akyat ng elevator. Pagdating sa 6th floor saka naman saktong bumukas iyon at agad akong pumasok. Thank God for the small mercy. Kung bakit ba naman hindi naisipan ni daddy na magpagawa ng elevator exclusive for big boss only. E di hindi sana ako nahihirapan ngayon. Haaay!

Pumasok ako sa loob ng board room at lahat ng attention nakuha ko. Okay, I know I just brought negative impressions to them. Hindi na nga rin ako magtataka kung iisipin nila kung bakit ako ang gustong ipalit ni daddy sa pwesto nya samantalang first meeting, late ako... Which is really terrible!

I just gave my sweet smile to them at sumunod kay Meg nang igiya nya ako sa bakanteng upuan. Umupo sya sa likuran ko at inihanda ang notebook na dala. Nakinig lang ako sa speaker na nagsasalita sa unahan discussing the company's progress blah blah blah...

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now