Chapter 9

25.9K 366 10
                                    

AN:

Hello there! Well, congrats to me again. I was able to post 3 chaps together in one day! That's really nice isnt it? Well, sinamantala ko yung holiday vacay ko. Cause when I came back to work, medyo mabagal na ulit ang update. Alam ko naman na naiintindihan nyo ako. Cause you guys are the most understanding folks I know. *wink*

Anyway, i decided na in this story (probably on my other books also), it will be Clarisse's POV all through the end of the story. Well, yeah. I found it cute and easy to write when using only one POV. Siguro 2 chaps before ending ko na lang ilalagay yung kay Ice. Yeah? Alright! So much for this chatting galore! Enjoy reading! Mwah!


CLARISSE

Onions. Check! Garlic. Check! Worcester sauce. Check!

Sumandal ako sa couch ng matapos akong magcheck ng mga pinamili sa palengke. Ang dami nito. At ang OA ng nag-utos. Para naman magagamit nya lahat to sa bahay nya e hindi naman sya nagluluto. And besides, hindi naman ganito kadami ang naubos kong ingredients nung nagluto ako sa bahay nya. Psh.

Pero well, bahala sya. At least hindi naman ako napagod sa pamamalengke. Wais yata to! Sa halip, tinawagan ko ang caretaker namin dito sa bahay at sya ang inutusan kong bumili ng mga nasa listahan. Knowing Ice, hindi ko alam kung kailangan nya ba lahat ang nakasulat dito o nang-aasar lang sya at pinapahirapan ako. Pero seriously, mas mahaba pa yata sa listahan ni Santa ang listahan na ibinigay nya!

Pero kung akala nya matalino na sya sa naisip na idea, bwahahaha! Nagkakamali sya. Mas matalino ako. Well, hindi nya alam na pwede kong iutos sa iba ang pinapagawa nya. Besides, busy din ako no? At wala akong panahon para pumunta sa palengke at sakyan ang trip nya. So lame!

Sadly, hindi na naman natuloy ang usapan namin na lunch ni Jake. Kung kelan naman ako bakante kanina, sya naman ang busy dahil sa business meeting. Oh well, baka nga hindi na matuloy. Kainis!

Isa-isa ko nang ibinalik ang mga pinamili sa eco bag na nasa harapan ko. I am not kidding when I say na limang evo bags lang naman ang total ng lahat ng nasa listahan nya. Imagine? Pagbubuhatin nya ako ng ganun karami. Anong akala nya sakin, si Wonderwoman? Though yeah, mas sexy sya sakin pero mas maganda naman ako sa kanya. Hihihi.

I grabbed the eco bags and went outside the door. Isa-isa kong binalikan ang mga yun sa loob ng bahay para ipasok sa compartment ng kotse ko. Kanina kasi, iniwan ni Icr sakin ang susi ng bahay nya. Ilagay ko na rin daw sa cabinet at fridge nya lahat ng pinamili. Tsk! Feeling nya talaga katulong nya ako. Hanapan ko na lang kaya sya ng katulong para hindi na ako ang uutusan nya.

Limang bahay lang ang pagitan namin sa isat isa. And I cant imagine na magsasayang ako ng gasolina at magdadagdag ng polusyon sa mundo para lang maihatid ang mga ito sa bahay ng kutong lupa na iyon. GRRRRR!!!!

I switched the door open. Saka isa-isa kong ipinasok ang eco bags na nasa kotse ko. I need to get this over with para makauwi na rin ako.

***

I looked at cabinets full of food stocks. Oh well, nice job to me! Natapos ko agad ang pag-aayos ng foods sa fridge at cabinets. Bahala na syang ilipat ang mga ito kung mali ang pinaglagyan ko. Hindi ko na trabaho yun.

Matapos itupi ang eco bags na ginamit ko, lumabas na agad ako sa bahay ni Ice at sumakay sa kotse. I looked at my wrist watch. 3pm. Hmmmn... Tamang tama para sa merienda. I decided to go somewhere out in the village.

***

"Is that all, ma'am?", tumango lang ako sa waiter bilang sagot.

Kinuha ko ang cellphone ko nang makaalis ang waiter. Hmmmn.. I got two messages from Tanya. Asking me to come to their place on Saturday. Today is Wednesday so I still got two days before that.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now