Chapter 4

28.8K 398 16
                                    

AN:

Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta nito kahit mabagal ang update. And also, thanks for sending me those complimentary words. You, guys, always make me smile and kept me motivated. Though sometimes, even how hard I tried to post an update, hindi ko pa rin magawa. Lalo na kapag wala ako sa mood magsulat. Kaya THANK YOU sa pag-unawa. Love love! ♥

Anyway, this chap is dedicated to mairicar. Keep on reading and thanks for the support.

Enjoy!

Clarisse

Using a 2H pencil and a metric scale, I started doodling lines on my tracing paper. Sketching house designs has always been my first love. According to my dad, I started doing this stuff when I was 3. So when I reached college, pinursue ko na ang ambition kong maging architect with my parent’s full support. That was when my dad sent me to one of the most prominent architectural schools in US.

My dad is a civil engineer. Malamang sa malamang, sa kanya ko namana ang hilig sa pagddrawing. Best buddy nya ang lapis at tracing paper. Naalala ko pa nga nung 6 years old ako, pinaglaruan ko yung onion skin na nakita ko sa study table ni daddy. Natuwa ako kasi pwedeng ipambakat sa pictures na nasa books ko. Kaya ang ginawa ko, nagdrawing ako ng maraming fruits dun na ikinagalit ni daddy ng bongga… Hehehe. Pero well, bata pa naman ako nun.

Si mommy naman, she used to be a doctor. Pero matagal na syang tumigil sa profession na yun. Tinutulungan na lang niya si Daddy sa pamamalakad ng company namin na itinayo ng tatay ko 20 years ago. And now, balak na ibigay ni daddy sakin ang position as the President of the company. Balak na kasi nilang magpahinga sa trabaho at matupad na ang matagal nilang plano na trip around the world. No hard feelings on my part naman since matagal ko na rin silang pinagtutulakan na magpahinga na sa pagpapatakbo ng kompanya. At malay ko naman, diba? Baka magkaroon pa ako ng kapatid. Hihihi! At least hindi na ako only child.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng bumukas ang pinto ng opisina. Though inaasahan ko na silang darating, na-excite pa rin ako ng makita ko sila.

“Mom! Dad!”, agad akong tumayo mula sa swivel chair at sinalubong sila ng yakap.

“How’s my princess?”, dad kissed my forehead.

“I’m great, daddy. Kayo po? Anong oras kayo nakarating dito sa Pilipinas?”, I gestured to take a seat.

“2 hours ago. Dumiretso na muna kami dito. Ito kasing mommy mo, masyado kang na-miss.”, napangiti ako ng malapad sa sinabi ni daddy.

“I missed you too, mom. Pero paano na yan? You have to get used to it. Lalo na kapag nagtrip around the world na kayo ni daddy…”, natatawa kong sabi. Masyado kasi akong close sa kanila at nasanay silang palagi akong kasama at nakikita.

“Well, kapag nangyari yun, we’ll make sure that you’re in safe hands.”, sabi ni mommy na malapad na nakangiti.

“What do you mean, mom?”, pero nag-iwas lang sya ng tingin at iniba na ang usapan.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now