My words are full of shit and sarcasm. I swear, dumidilim talaga ang paningin ko sa kanila.

“Darla, nagagalit ka pa ba saken?” tanong niya at natawa ako nang bahagya, “I’m sorry kung nasaktan man kita, sorry kung di maganda ang naging break-up ninyo—“

“Dahil sayo.”

“Sinisisi mo ba ako kung bakit ka niya hiniwalayan?” I crossed my arms after hearing her stupid question. I sighed and rolled my eyes. Pero actually, hindi ako nakatingin sa kanya.

“Sorry,” I smirked, “Obvious bang sinisisi kita?”

“Ano bang nangyayari sayo, Darla?”

“Wala.”

“Bakit ganyan ka na makipag-usap sakin?” she retorted almost under her breath, para lang walang makarinig sa pag-uusap namin, “Magkaibigan tayo, sana naiintindihan mo ko. Mahal ko siya, at kung di mo tanggap na kami na, it’s not my fault anymore.”

Naningkit ang mata ko nang marinig kong ‘magkaibigan tayo’, though, I’m still facing my front. Tangina, saan niya nakuha ang kapal ng mukha para sabihin magkaibigan kami? Nakakadiri. Kinikilabutan na talaga ako mula bunbunan hanggang sa kuko ng mga paa ko.

“The last time I checked, walang kaibigang nang-aagaw ng boyfriend,” she raised her brow nang lumingon ako sa kanya, “And, don’t worry, naiintindihan ko namang niloko mo ko, friend.”

 

“So you’re blaming me, aren’t you?”

“Miss, ito na po ‘yung Shawarma mo,” sabi ng tinder at inabot sakin ang naka-styropore na pagkain na nakabalot sa puting plastic bag.

Di ko pinansin ‘yung tinanong ni Denise at kinuha ko lang yung order ko, saka ko siya tinalikuran. Masyado akong nauubusan ng oxygen pag nakakausap ko siya. Kung may powers lang ako, hihilingin ko na sana magkaroon ako ng amnesia para di ko siya maalala.

“Darla, kinakausap pa kita. Galit ka ba sakin?” nagulat naman ako kasi naglalakad siya sa likuran ko kaya binilisan ko ang lakad.

“Tanggapin mong wala na kayo!” Napatigil talaga ako sa huling sinabi niya. Fucking tape.

Hindi ko na talaga natiis at hinarap ko siya. Nakita kong napatingin din yung ibang students samin dahil sa sinigaw niya. Syempre, ikaw ba naman ang makarinig ng ganon, di ka ba magiging chismoso’t chismosa? Buti na lang, hinubad ko ID ko kanina kaya di nila alam kung ano’ng course ko.

“Ano bang pinuputok ng butsi mo, Denise?!”

Humakbang siya palapit sakin at nag-amo-amuhan. Bakit hindi ko alam na kaya niya palang magpanggap? For how many years na naging kaibigan ko siya, ngayon ko lang na-discover na may ganyan siyang talent. Napaka-plastik.

“Ang sakin lang naman, gusto kong mag-cease fire na tayo. Ayoko ng gulo.”

She's My Sweetest DrugNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ