"Woah!" She said.

"Oh ngayon, sabay na nating bitawan." At sabay nga namin itong binitawan.

I look at her at mukha na naman syang bata na natutuwang makakita ng fireworks, yung ganun. Saka naman sya napatingin sa akin at sinabi.

"Ang ganda talaga ng Lantern kapag nasa ere na." She said iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya dahil bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Ano yun?

"Pssh, parang yan lang."

"I wish kasama ko ang Parents ko sa pagla-light ng Lantern."

"Eh di ba kasama nila Mom ang Uncle mo, and wait, where's your parents?" I asked her, and nakita ko naman na tumalikod sya sa akin and told me that…

"Wala na sila."

"What do you mean wala na sila?"

"They're already gone, they passed away."

"What? Oh Sorry."

"Hindi, okay lang, tanggap ko na naman na wala na sila eh." Ang daldal ko naman kasi eh.

"Anyway, tara na. Nandyan na yata sila, parang may nakita akong Van eh."

"Aah, ganun ba.”

Pinatay ko nalang yung campfire saka kami nagpunta sa rest house at tama si Poornget nandito na nga sila.

Pero bago pa namin sila malapitan eh may matandang lumapit sa amin ni Poornget at nagsabi ng tungkol sa Legends ng Lantern dito sa lugar namin, dahil madilim at nakatapat ang ilaw ng flashlight nya sa amin ni poornget, hindi ko sya mamukhaan kung sino.

"Hijo't Hija, nakita nyo ba yung nagsindi nung lantern?" tanong nung matanda.

"Aah O-----" poornget said pero hindi nya tinuloy kasi tinakpan ko yung bibig nya.

"Hindi ho, bakit po?"

"Natutuwa lamang ako, dahil may magkakatuluyan na naman.”

"What do you mean?"

"Hindi nyo ba alam ang kwento ng Lantern na yun?"

"Hindi po?" poornget said.

"Kung sino man ang sabay na magsindi at paliparin ang Lantern na yun sa may kakahuyan eh maaaring sila ang magkatuluyan.."

"Is that a joke?" I said.

"Haka-haka lang naman yata po yan manang." poornget said.

"Hindi ako nagsisinungaling... Believe in me, and you will know the truth.." saka umalis yung manang palayo sa amin and still, hindi ko pa din sya namukhaan. Bakit may matanda dito sa gubat?

Ano ba yun? Joke, Hindi ako naniniwala dyan. Kung totoo man yun, gagawin ko yun ng maayos at maganda ng kasama si Anne.

*Nicca's POV*

Hays, alam nyo, habang tinitignan ko si Jiro na gumawa ng bonfire napapansin ko na may pagkukusa pala sya, kahit na utos dun utos dito ampeg nya. Specially nung sinindihan nya yung Lantern with me, hindi nya alam na nakatingin ako sa kanya that time pero he's cool, then pumapasok din sa isip na na ang gentleman nyang tignan that time, swear walang halong biro.

But wait, yung sinabi kaya nung Manang is that true? Sana hindi kasi mas gugustuhin ko pang si Chris ang makasama ko sa ganun kesa kay Jiro na parang araw-araw may ubo sa utak sa lakas ng topak mantrip. Kaso sa hindi sinasadyang oras at pangyayari si Jiro ang nakasama ko that time.

Hindi daw nagsisinungaling si Manang eh pero bakit parang ayaw kong maniwala? Parang ayaw mag-sink in sa utak ko yung mga sinabi nung Manang? Siguro dahil hindi ko pa napapatunayan na totoo nga yung sinasabi nya.

Gorgeous Six Where stories live. Discover now