"Luh, asa ka."

"Grrr." she said.

"Gutom ka na noh, ahahaha, wala pa namang pagkain sa bahay ngayon." banta ko naman kahit meron naman kahit papano.

"Ewan ko sayo, wag na nga lang."

"Ahaha, suko ka agad? Oh eto. iyo na!" I said saka ko inabot sa kanya yung mga cookies.

Natatawa lang ako sa kanya, para syang bata kumain yung tipong ngumingiti-ngiti pa, parang adik, ahahaha.

"So, sino sa atin parang bata ngayon? Di ba ikaw?! Ahahaha."

"Pssh, nakakainis ka." She said. Natutuwa talaga akong pagtripan tong babaeng to eh.

"Ahahaha."

Hinayaan ko nalang syang kumain doon, inayos ko nalang yung mga lanterns dito na hindi pa nasisindihan, nasira kasi yung sinindihan ko kanina. Nakita naman ni usyoserang poornget yung lantern.

"Uyy, lantern!!!"

"Hindi, Kandila siguro!”

"Nambabara ka?"

"Hindi, kinakausap ka siguro ng maayos."

"Pssh, ewan ko sayo, anyway, anong gagawin mo dyan?" tanong nya.

"Itatago."

"Hindi mo sisindihan?"

"Hindi."

"Di ba yan yung sinisindihan?"

"Hindi, yung nililiyaban siguro."

"Adik ka kamo!"

"Ano na naman bang problema mo't nandito ka?"

"Gusto kong itry yang Lantern, Abnormal!"

"Ayoko nga! Ano ka sinuswerte?"

"Oo."

"Shoo! Alis, dun ka nga! Wag kang dumikit sa akin baka nakakahawa yang kapangitan mo!"

"Buseet! Hindi mo ba alam kung bakit panget ako?"

"Hindi, at wala akong balak malamaman."

"Isa ako sa nagdodonate ng looks kaya pasalamat ka sa amin ang ganda ng mga lahi nyo."

"Ganun ba yun? Teka, paulit ulit ka dyan, sinabi mo na yan dati aah."

"Oo, para magsawa ka na pagtripan ako."

"Baliw, maghanap ka nga ng kausap mo!"

"Uhm, Jiro."

"ANO?"

"High pitch agad? Hihingi lang ako ng isang Lantern eh."

"Pano kung ayoko."

"Dali na, isa lang eh."

"Arg! Nakakairita ka talaga! Oh ayan, manahimik ka na!" I said saka ko sya binigyan ng isa at tinago na yung iba baka humingi pa toh eh.

Tinignan ko sya kung anong gagawin nya sa Lantern, aba't may sa bobo din pala itong babaeng to hindi alam kung paano sindihan nairita ako kaya lumapit ako sa kanya.

"Marunong ka bang magsindi nyan? Mukha kang tanga kamo."

"Nakalimutan ko kung paano eh, sorry."

"Naku! Bobo ka ba o bobo-bobohan lang? Ganito lang oh, tignan mo." at inexplain ko sa kanya kung pano iyon sinisindihan.

"Teka! Hawakan mo sa gilid." I said.

"Nakahawak na.." She said habang ako hawak ko naman yung kabilang gilid, nasindihan naman ito.

Gorgeous Six Where stories live. Discover now