Chapter 6

12.9K 308 7
                                    

Kinabukasan ay hindi ko maiwasang mailang habang naglilinis ako dahil rinig ko ang bawat bulungan ng mga empleyado sa lugar na ito na pawang sinasadya talaga ang pagpaparinig sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at dumiretso sa CR para doon naman maglinis. Wala namang maidudulot na maganda kung papansinin ko lahat ng paratang na meron ang mga tao sa paligid ko.

"So you're the girl that they're talking about, huh."

Napaangat ang tingin ko sa babaeng nakaharap sa salamin habang naga-apply ng foundation sa mukha. Hindi ko maiwasang mamangha dahil mukha siyang manika.

Tumigil ito sa ginagawa niya at lumapit sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapaatras. Hindi kasi ako sanay ng may bigla na lang lalapit sa akin.

Bigla naman itong napahagikgik at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

"I'm Liona. Kapatid ako ng best friend ni Kuya Zel. Ikaw?"

Napatitig ako rito at hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Mukha kasi talaga itong manika lalo pa at hugis puso ang mukha nito. Maputi at halatang natural talaga ang ganda.

Nahihiyang inabot ko ang kamay nito lalo akong pinamulahan ng mukha nang maramdaman ko ang malambot na palad nito. Walang-wala sa palad kong halatang kumakayod sa para mabuhay.

"Eos po, Ma'am."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla itong bumulong sa akin at hindi ko inaasahan ang sinabi nito.

"I like you for Kuya Zel. I can feel it, ikaw na ang katapat ng barabas na iyon, Eos. Trust me."

Tinapik ako nito sa balikat bago lumabas ng cr. Hindi ko maiwasang mapatampal sa pisngi nang malaman na tumagal ang pag-proseso ko sa sinabi ng babaeng iyon.

Napailing na lang ako at ginawa ang lahat ng trabaho ko na pwedeng makatulong sa akin sa pagtigil sa pag-iisip sa lalaking iyon.

Papunta na sana ako sa locker room para kumain nang maramdaman kong may mga matang nakasunod sa bawat galaw ko.

Ipinilig ko ang ulo ko bago pumasok sa loob ng locker room. Naabutan ko ang iba roon na nagkakayayaang bumili ng pagkain sa labas at ang iba naman ay katatapos lang kumain.

"Eos nandyan ka na pala. Sama ka ba sa amin? Kakain lang kami dyan sa may pares house sa malapit." tanong ng isa kong katrabaho pero umiling lang ako bago ngumiti.

"May baon ako eh. Kayo na lang siguro. Nakita niyo ba sila Adel?"

"Oo, kanina. Kaso ipinatawag sila sa HR dahil may ipapagawa daw sa kanilang importante. Sige, una na kami ha." tumango na lang ako bago dumiretso sa tapat ng locker ko.

Ako na lang ang naiwan dito kaya hindi ko maiwasang mapabuntong hininga sa pagod. Inilabas ko ang baunan ko na naglalaman ng ng kanin at kaunting sardinas.

Matagal pa bago ang sweldo kaya kailangan ko talagang mag-tipid. Napabuntong hininga ako bago umupo sa may gilid at inumpisahan ng kainin ang baon ko.

Nakarinig ako ng pag-lock ng pinto kaya agad akong napalingon sa pinto ngunit ganoon na lang ang panlalamig ng kalamnan ko nang makitang prenteng nakatayo doon si Zel at mataman na nakatitig sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Is it really the right way to greet the CEO of this company?" nakangisi nitong tanong kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha.

Napalunok ako bago inilapag sa isang tabi ang pagkain ko. Pumikit ako ng mariin at nag-bilang bago muling dumilat ngunit ganoon na lang ang pagsinghap ko nang bumungad sa harapan ko ang lalaking demonyo na 'to.

"Tell me the real reason why you're fucking here inside my company? Did someone sent you here to spy on me? Do you need my money? Tell me! Damn it! I can't even think straight since I saw you walking inside my territory!" gigil na wika nito bago hampasin ang locker sa gilid ko.

Nakakatakot ang aura nito kaya lalo akong napaatras. Hinapit niya ako sa beywang at matalim pa din itong nakatingin sa akin.

"W-wala akong dapat ipaliwanag sayo."

"Don't try my patience, Eos. Hindi mo gugustuhing galitin ako dahil baka ito na ang huling araw mo sa mundo. Tell me the real reason why you're here!"

Napahinga ako ng malalim bago nakipagsukatang ng tingin dito.

"Nandito ako para mag-trabaho. Ano bang problema mo sa akin at ganyan ka kung makapagsalita? Napakatabil ng dila mo. Sinabi ko na sayo kahapon pa lang na nandito ako para magtrabaho. Aba malay ko bang ikaw ang may-ari nito? Kung alam ko lang edi sana hindi na ako dito nag-apply diba? Pero kasi nandito na ako, kailangan ko ng trabaho kaya kung mamarapatin niyo lang po, tigilan niyo na ako."

Pagod na ako at ayoko ng isipin pa ang lahat ng sakit sa lahat ng naririnig ko galing sa bibig niya.

Unti-unti naman ako nitong binitiwan at tinalikuran.

"Pakiusap din, Zel. Kalimutan mo na isa ako sa mga babaeng naging bayaran sa buhay mo. Kailangan ko ng trabaho na 'to kaya parang awa mo na, hayaan mo akong mabuhay ng tahimik. Huwag ka ng lalapit sa akin para hindi na madumihan ang pangalan mo sa mga empleyado mo."

"At isa pa, hindi ko kailangan na yaman mo. Sapat na iyong binayad mo noong araw na nagpaangkin ako sayo. Kalimutan na lang natin na nagkakilala tayo sa mundong to." mahinang usal ko bago nag-patuloy sa pagkain.

Tahimik na iniwan ako nito sa loob ng locker room kaya nakahinga ako ng maluwag. Ano ba kasing problema ng lalaking iyon?

BUONG ARAW akong napagod pero wala naman akong ibang magawa kundi kumilos at tapusin lahat ng trabaho ko.

Lulugo-lugo ako habang palabas ng building nang may humawak sa balikat ko.

"Eos, right?"

Napatitig ako sa mukha nito at hindi ko maiwasang mamangha sa taglay nitong kagwapuhan. Napailing na lang ako at sinagot ito.

"O-oo ako nga. Bakit?"

"I just wanna ask kung nandyan pa ba si Habi sa loob? Hindi kasi niya sinasagot ang mga tawag ko." nagkamot pa ito ng ulo na para bang nahihiya.

"Pasensya na pero buong araw ko siyang hindi nakita e. Hindi ko din alam kung nakauwi na ba ang babaeng iyon o hindi."

"Ah, sige thank you. Sorry sa abala." nahihiyang wika nito na sinagot ko lang ng isang tipid na ngiti at tango.

Iniwan ko siyang nakatulala doon na para bang problemadong-problemado. Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep nang makarinig ako ng isang pag-ingos sa likod ko. Napalingon ako at nakita si Zel na prenteng nakadantay sa mamahalin niyang kotse.

"Kaya pala gusto mong kalimutan ang mga nangyari kasi may bago ka." mapait na wika nito kaya napakunot ako ng noo.

"Pinagsasasabi mo diyan?"

"That man," tinuro niya iyong lalaking di ko kilala at muling bumaling sa akin. "He's your costumer, right?" nakangisi ito at ewan ko ba kung ano na naman ang sumanib sa kanya.

"Baliw ka ba? Pwede ba wala akong oras makipaghulaan sayo kaya kung pwede lang po sana, Sir Zel mauuna na ako."

Tinalikuran ko na siyang muli pero mabilis niyang hinatak ang braso ko paharap sa kanya.

"Don't you dare turn your back on me. Kinakausap pa kita."

Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang pagkakasukbit ng bago ko sa balikat ko.

"Ano ba kasing problema mo ha? Sinabi ko na nga na hindi ko kailangan ng pera mo kaya pwede ka ng makahinga ng maluwang."

Hindi niya ko pinakinggan at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng hatakin niya pa ko lalo at hinalikan sa labi.

Mahabaging langit!

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now