RR: Thirty-four

9.2K 199 19
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw habang pinagpaplanuhan ni Cady at Jace ang kanilang kasal.

Excited din ang anak nilang si Jio at ito pa ang nagka-countdown ng mga araw.

Jace and Cady decided to make their wedding in a private manner.

Alam ni Cady na nag-uunahan ang mga sports magazines at t.v talk shows na makuha ang rights ng wedding nila ni Jace ngunit pinakiusapan niya ang kasintahan na kung maaari ay wala itong payagan.

Mukha namang pareho sila ng gusto ni Jace kaya magalang na tinanggihan isa-isa ni Jace ang mga offer sa kanila.

Lingid din sa kaalaman ni Cady ay nakausap na rin ni Jace ang mga magulang ni Cady pati na si Draco na pumayag na ang dalagang magpakasal sa kanya.

Si Jace na rin mismo ang nag-asikaso ng mga papeles upang makadalo ang mga ito sa kasal nila.

Hindi pa nasasabi ng binata kay Cady ang plano niyang iyon. Balak niya kasing gawing sorpresa iyon. Kakutsaba na niya lahat ng malalapit sa kanila ng kasintahan.

Even Shinrei and Zoey are invited. At hindi naman siya nabigo dahil umoo ang mag-asawa na dadalo sa kasal nila.

He's feeling so static. Everything is under control and running smoothly as planned.

He can't wait until their wedding day.

........

"Baby!!", tawag ni Cady sa kasintahan ng isang umagang hindi na niya ito nabungaran sa kanilang kwarto.

Lumabas siya ng kwarto upang hanapin ang mag-ama niya ngunit wala maski anino ng mga ito hanggang sa makita niya ang nakahaing almusal sa lamesa at may note doon.

"Eat your breakfast baby!
We'll be out for a minute.
See you. I love you wifey.
-hubby."

Kinikilig na umiling-iling si Cady saka umupo at sinimulang lantakan ang nakahandang pagkain.

Mula ng magkaayos sila ni Jace ay mas naging showy pa ito sa kanya. Minsan nga nahihiya na siya dahil mas nag-e-effort pa ang binata kesa sa kanya.

Just like before. Pero siyempre hindi naman na niya hinahayaang maramdaman ni Jace na hindi niya ito mahal. Kaya mas naging extra sweet din siya sa binata. Iyon nga lang ay talbog ang mga paandar niya kumpara sa mga pakulo ni Jace.

Katatapos lang niyang ligpitin at hugasan ang kanyang mga pinagkainan ng marinig niya ang pagdating ng isang sasakyan.

Dali-dali siyang lumabas sa sala upang silipin ang bagong dating.

Nanlaki ng mga mata niya ng bumungad sa pinto si Jio na kasunod ang papa at mama niya.

"Surprise!!", sabay-sabay na sabi ng tatlo kay Cady.

"Pa! Ma!", masayang bati ni Cady sa mga magulang. Mabilis niyang sinalubong ang mga ito ng yakap at halik.

"Cady iha.", sambit ni Cacai habang hinahalikan ang pisngi ng anak. "Namiss kita nak."

"I missed you too mama. Bakit hindi niyo sinabing darating kayo?"

"Eh di hindi na surprise!", natatawang saad naman ni Michael.

Muling napabaling sa pinto si Cady ng pumasok si Jace kasunod si Draco kasama ang asawa na halata na ang baby bump at ang anak nilang si Khielle.

Tuwang-tuwang sinalubong ni Cady ang kapatid at hipag saka pinupog ng halik ang pamangkin na kiliting-kiliti naman sa ginagawa niya.

"Thank you", Cady mouthed to Jace na nagflying kiss lang sa dalaga bilang sagot.

........

Akala ni Cady ay tapos na ang sorpresa ni Jace kaya ganon na lamang ang saya niya ng sumunod na mga araw ay ang pagdating naman ng kanyang ate Jhoy at ang kambal na si Menche at Moira.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें