RR: Four

9.9K 212 11
                                    


Napatigil sa akmang pagpasok ng kwarto si Jace ng makita ang tulog na Cady sa sofa.

Wala sa loob na lumapit siya sa babae at tahimik na pinagmasdan ito.

Kay amo ng magandang mukha nito. Napangiti siya ng tipid ng mapansing nakakunot noo ang dalaga. Hanggang sa pagtulog ay kunot noo ang dalaga. Nagduda tuloy siya kung tulog ba ito o nagtutulog-tulugan lang.

Napapailing siyang tumuloy ng kwarto upang magbihis.

Saka siya bumalik sa sala at umupo sa single sofa kaibayo ng kinahihigaan ni Cady.

May kung anong kasiyahan siyang naramdaman habang pinakatitigan ang babaeng mukhang dyosa sa harap niya.

Dyosa. Napangiti siya ng mapait. He treated her like a goddess before but she still choose to leave him.

Nang sugurin niya si Shinrei sa isla nito ay nagulat siyang naroon din ang dalaga.

Napapaisip siya kung ano ang ginagawa ng dalaga doon at kasama pa si Shinrei.

Sa pagtataka niya sa sarili ay biglang umahon ang galit sa kanyang dibdib. Kakaibang galit kesa sa naramdaman niya para kay Zoey noong mahuli niya itong kasama sa iisang kwarto si Shinrei.

Kaya hindi niya napigilang makipagsuntukan sa lalaki noon.

Simula ng gabing yun minatyagan na niya si Cady. At dahil hindi niya mapangalanan ang nararamdaman para dito ay lakas loob niyang kinausap ang dalaga.

Noong una ay nagulat ito ng bigla na lang siyang kumatok sa bahay nito. Tinakot niya ito. Binantaan.

"I dont want you to meddle with Fortalejo and Zoey's affair. Leave them in peace. Buntis si Zoey at maselan ang kalagayan. Kaya sa ayaw at sa gusto mo babantayan ko ang bawat kilos mo. Kung ayaw mo naman, ok lang sa akin pero ayaw mo nman sigurong magkandaleche-leche ang buhay mo at ng mga taong nakapaligid sayo di ba? And I'm telling you, I can make your life a living hell.", mahabang litanya niya kay Cady.

Naalala pa niyang pumalag ito pagkasabi niya iyon ngunit pinanlisikan niya ito ng mata at hindi niya napigilang sakalin na naman ito sa gigil.

"You are really that bitchy?! I wont let you hurt Zoey. Kung kinakailangang itali kita sa bewang ko, gagawin ko masiguro ko lang na hindi ka na magkakaroon ng ugnayan sa lalaki mo!", galit na galit na wika ni Jace.

Natakot ata sa kanya si Cady at hindi inaasahang masasaktan niya ito kaya wala itong nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon sa gusto niya.

Umuwi siya saglit sa Paris noon para masiguradong susuyuin ni Shinrei si Zoey. Itinakas at isinupalpal niya sa lalaki ang pirmadong annulment papers upang magising ito at suyuin ang misis nito. He did that on a purpose. Mahal niya si Zoey oo pero napagtanto niyang mas mainam na maging magkaibigan na lang sila.

Walang patutunguhan ang relasyon nila kung ipipilit niya ang sarili kay Zoey. Lalo at kitang-kita naman kung gaano nito kamahal ang asawa.

Masaya na siyang kaibigan ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat upang mawala ang mga balakid sa pagsasama nito at ng asawa including Cady.

Kung kinakailangan pang ikulong niya ito ng matagal sa isang kwarto ay gagawin niya hangga't hindi niya napapatunayang wala na itong nararamdam para kay Shinrei.

.......

Cady stirred from her slumber ng makaramdam ng parang may nakatitig sa kanya.

Dahan-dahan siyang nagmulat at wala sa loob na iginala ang paningin.

Nakatulugan na pala niya ang pag-iisip kanina.

Napasinghap siya ng makita si Jace na matiim na nakatitig sa kanya habang naka-de kwatro sa tapat niya.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon