RR: Twenty-six

8.4K 194 12
                                    


"Kilala ka niya.", sambit ni Draco kay Jace ng hindi matikal ang pagtititigan ng mag-ama.

"How?", tanong naman ni Jace na hindi inaalis ang pagkakatitig sa anak. Para siyang nakikipagtitigan sa sarili niya noong bata pa lamang siya.

Mas hawig kasi si Jio kay Jace ngunit may anggulo din na si Cady ang nagiging kamukha nito.

"May kaisa-isang litrato siyang hinahawakan at pinakatatago-tago sa mommy niya. Picture niyo ni Cady noong nasa L.A. pa tayo.", sagot ni Draco. "Maiwan ko muna kayo. Doon kayo sa swing kung gusto niyong mag-usap ng maayos.", sabay turo nito sa swing sa isang panig ng bakuran.

Lumapit si Draco sa pamangkin. "Yes bud, even if you are not asking, I can read what's on your mind. Talk to him Jio.", tapik nito sa balikat ng bata saka tinaguan si Jace at pumasok na ng bahay. "He is your real daddy.", bulong pa niya sa pamangkin.

Nanatili silang nakatayo lamang doon ng iwan sila ni Draco.

"D-do you really k-know me?", utal-utal na tanong ni Jace sa anak.

Kumibot ang mga labi ni Jio at hindi maiwasang mapangiti ni Jace dahil ganun na ganun siya nung kaedad niya ito.

"Yeah. You're my d-dad."

Wala ulit maapuhap na sasabihin si Jace kaya niyaya niya ito sa swing. Nasa magkabilaang panig silang dalawa.

"How'd you know about me?", tanong muli ni Jace pagkalipas ng ilang sandali.

"I asked mom when I was six. She showed me your picture. She tought I already returned it to her but I took it from her wallet and hide it in my room.", kibit balikat namang sagot ni Jio.

Kumabog ang dibdib ni Jace. "Took it from her wallet." Ibig sabihin ba nun ay iniingatan din ni Cady ang alaala nito sa kanya? Parang gusto niyang kiligin sa naisip. Pero mas nanaig ang kagustuhang pakinggan ang rason ng anak. "W-why?"

Yumuko muna si Jio. Saka buong pait na ngumiti. "My classmates keep on bullying me. So to prove that I have a dad, Im keeping that pictures of yours and mom."

Hindi naman inaasahan iyon ni Jace at para siyang sinaksak sa dibdib sa nakikitang sakit mula anak.

"I...Im sorry...s-son."

Nag-angat ng tingin si Jio at pinagmasdan ang ama. "What took you so long to come here? Where's my mommy? I haven't seen her for quiet a while now." Banaag sa mukha nito ang pangungulila sa ina.

Napailing naman si Jace sa tanong ng anak. "Your mom did not inform me about your existence Jio. I am not aware that I'm already a father.", napatiim bagang doon si Jace. Nakaramdam siya ng panghihinayang sa mga taong lumipas.

Ten freaking years! Paano nagawang itago iyon ni Cady sa kanya? Inabot sila ng maraming buwan na magkasama pero bakit ni hindi man lang ito umamin sa kanya?

Gusto niyang magalit kay Cady subalit ng maalala ang kalagayan nito ay kusang kumakalma ang kanyang emosyon.

Higit kailanman ay ngayon mas kailangan ng mahal niya ang kanyang pang-uunawa.

"Are you mad at me?", tanong ni Jace sa anak.

Pilit ang ngiti ni Jio sa lalaking nasa harap niya. Bata pa lamang siya ay lihim na niyang hinihiling ang makilala ang daddy niya.

Sa murang isipan ay tumatak na sa kanya na ayaw pag-usapan ng kanyang mommy ang tungkol sa daddy niya kaya ang Uncle Draco niya ang kanyang kinukulit-kulit.

Kinukwentuhan naman siya ni Draco ng lahat ng alam nito tungkol sa ama. Hanggang sa makita niya ito minsan sa tv na nakikipagkarera.

From then on ay inaabangan na niya ang bawat karera nito. Minsan nga ay ipinagmayabang niya sa mga bully niyang kaklase na si Jace ang daddy niya ngunit pinagtawanan lang siya ng mga ito.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now