RR: Seven

9.9K 182 12
                                    


Nagngingitngit na ibinagsak ni Cady ang katawan paupo malapit sa bintana ng eroplano.

Flight nila ngayon ni Jace papunta ng Paris.

Kaya pala hinayaan siyang lumabas ng condo sa nakalipas na dalawang araw. Tuwang-tuwa pa siyang nagliwaliw dahil walang asungot na nakabantay sa kanya yun pala may balak na itong dalhin siya sa ibang bansa.

Nag-sagutan na naman sila ng makauwi siya sa condo at makitang nakaempake na ito ng mga gamit nila.

"Don't be so grumpy!", mariing usal ni Jace sa dalagang kulang na lang sabitan na ng kaldero ang nagkakandahabang mga nguso.

Hindi naman sumagot si Cady at inismiran lang ang binata.

Napabuntong-hininga naman si Jace at umayos ng upo saka pumikit.

Mahaba-haba pa ang byahe nila kaya mas minabuti niyang tulugan na lamang ang nagmamarkulyong dalaga.

"Ahh...bwiset!", bubulong-bulong na turan ni Cady. Hindi niya inaasahang isasama siya ni Jace pabalik sa bansa nito. "Argh!", she hissed. Kulang na lang sabunutan niya ang sarili sa sobrang inis sa lalaking katabi niya na prenteng nakapikit.

"Bwiset ka talaga!", inis pa ring anas ni Cady ng lingunin niya ang lalaki.

"We had a deal!", walang anu-ano'y salita ni Jace sa dalaga. Ngunit nananatili siyang nakapikit. "You think I will let you stay alone in your condo? You must be joking me baby."

Cady snorted and turned her back away from Jace.

Patay malisya namang hinayaan na lang ni Jace ang pinagsisintir ng dalaga.

Ano bang mali na isama niya ito sa Paris? Pumayag na ito sa proposition niya kaya wala siyang nakikitang dahilan para mag-inarte ito ngayon sa kanya.

Napatiim-bagang siya sa naisip na ayaw nitong umalis sa Pilipinas dahil malalayo ito sa Fortalejong yun.

He must be crazy for branding Cady as his.

Pinamadali niya kay Carlos ang visa ni Cady para maiuwi niya ito. Fiancee visa. Mapait siyang napangiti.

Yeah. Fiancee. And he must be out of his mind, out of his league because of that.

Lihim niyang minumura ang sarili. He felt that he's losing on his track.

His initial plan is to get rid of Shinrei from Cady. Taking the risk of the possibility na manumbalik ang pagtingin niya sa babae.

Isinama din niya sa plano niya ang paibigin ang dalaga. Show her that he is better than Shinrei. And when that time comes, he will dump her. Just like what she did to him a couple of years ago.

Umigting ang mga panga niya ng maalala ang pag-amin nito sa kanya noong nakaraang araw.

Flashback....

"Who is Shinrei to your life?", tanong ni Jace sa dalaga habang nag-aalmusal sila.

Umangat ng tingin si Cady sa lalaki mula sa kanyang plato. Nag-aalangan kung sasagot ba siya o hindi.

"Sasagot ka o pipilipitin ko yang leeg mo?", banta ni Jace.

Napayuko si Cady na kagat-kagat ang ibabang labi. "K-kinakapatid ko siya Jace."

Tumiim ang titig ni Jace sa nakayukong dalaga. "Yun lang?"

"O-oo"

"I've been confused for the past few days. Aminin mo nga sa akin Cady. Siya ba ang dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa akin noon?", dire-diretsong salita ni Jace.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now