RR: Twenty-eight

7.8K 202 25
                                    


"Noooo!!", muling sigaw ng babae at nagpumiglas sa may hawak sa kanya.

"Ma!!", pigil ulit ni Jervin sa ina.
"Calmez-vous! (Calm down!)"

"Comment puis-je calmer Jervin? Ton frère! Oh mon Dieu.. Jace!!! (How can I calm down Jervin? Your brother! Oh my God.. Jace!!!)", nagpapanic na turan ni Valentine.

"He's fine Ma. Look!", turo ni Jervin sa kinaroroonan ng sasakyan ni Jace. "L'ambulance est sur le point de le sauver. Reste calme maman. (The ambulance is on its way to rescue him. Stay calm mama.)"

Walang nagawa si Valentine kundi ang tahimik na tumangis at panoorin ang masusing pag-alis kay Jace sa sasakyan nito.

.......

PANGASINAN, PHILIPPINES

Katok sa pinto ang nagpabalik sa huwisyo ni Cady matapos mapanood ang nangyari kay Jace.

Nakauwi na siya sa bahay nila at magmula rin nun ay maya't maya kung tumawag si Shinrei sa kanya o kaya ay si Zoey na parang minomonitor pa siya ng pasimple. At ngayon nga ay kasalukuyan nga siyang nasa kwarto lang niya habang pinapanood ang karera ni Jace.

Nakatanga lang siya sa harap ng t.v., ultimo paghinga ay nakalimutan na rin ata niya dahil sa aksidenteng hanggang ngayon ay naka-flash sa tv monitor.

"Jace...", bulong ni Cady.

Muli ang pagkatok ng nasa pinto. Napalingon doon ang blankong ekspresyon ng mukha ni Cady. Hindi niya makuhang tumayo. Pakiramdam niya ay nanghihina siya.

Hindi niya pinansin ang kumakatok at muling itinuon ang atensyon sa t.v.

Kita na niya ang paglapit ng ambulansya at fire truck sa mga nagkarambolang sasakyan partikular na sa kinaroroonan ni Jace.

"Cady!! Open the door!!", rinig ni Cady na sigaw ng boses lalaki sa labas ng kwarto niya.

Nangunot ang noo niya ng mabosesang si Shinrei yun. Pilit siyang tumayo at pinagbuksan ang kinakapatid.

"Are you okay?", agad na tanong ni Shinrei kay Cady. Banaag sa mukha ang pag-aalala. Nasa likod nito si Zoey na kita rin ang concern sa dalaga.

"You worry too much. Im okay.", sambit ni Cady.

Napasilip si Shinrei sa loob ng kwarto ni Cady ng marinig ang t.v nito.

Napatakbo pabalik si Cady at tumayo sa harap ng tv. Napasunod naman ang mag-asawa sa kanya upang mapanood din ang mga kaganapan.

Kita nila ang dahan-dahang pagbaliktad ng sasakyan ni Jace. Kasabay ng masusing pagtulong dito upang makalabas ang walang malay na binata.

"God! Jace!", bulong ni Cady at natutop pa ang bibig nito.

Tinapik ni Zoey ang balikat ni Cady. "He will be fine Cady.", bigay nito ng assurance.

Napailing doon si Cady kasabay ng pagbalong ng mga luha.

Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay ang katotohanang hindi ang sasakyan ni Jace ang sumabog kundi ang dalawang kotse na nagkabanggaan sa field.

Makatapos ang makapigil hiningang mga sandali ay nailabas na rin sa pagkaka-stuck sa loob ng sasakyan si Jace.

Agad itong kinabitan ng cervical collar (neck brace) bago inilagay sa stretcher at ipinasok sa ambulansya saka mabilis na umalis.

Taimtim na nagdasal si Cady sa kaligtasan ng binata ganun din ang mag-asawa.

.......

AUSTRALIA

"Où est mon fils? (Where is my son?)", agad na bungad ni Valentine kay Carlos na paroo-t parito sa labas ng ER ng hospital na pinagdalhan sa binata.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now