RR: Three

11K 192 5
                                    


Dumilim ang anyo ni Jace ng maalala ang nakaraan nila ng dalagang lalong nahintakutan sa harap niya ngayon ng makita ang hitsura niyang animo'y papatay.

Ngunit bago pa kung ano ang magawa ni Jace kay Cady ay marahas na niya itong tinalikuran at umalis ng sala.

Nagtungo siya sa kusina ng condo saka binuksan ang fridge at kumuha ng malamig na tubig. Lumapit sa cup board at kumuha ng baso saka pinuno iyon at inisang lagok.

Akala niya nakalimutan na niya ang sakit na dulot ng nakaraan nila ni Cady ngunit may kirot pa rin pala siyang mararamdaman sa tuwing maaalala niya ito.

Itinukod niya ang dalawang kamay sa lababo saka yumuko.

Napariwara ang buhay niya ng iwan siya ni Cady. Mabuti na lamang at nakapagtapos pa siya bago siya nilayasan nito ng basta basta. Ngunit ang inaasahan ng ama na pamunuan niya ang kompanya nila ay hindi nangyari.

Sa halip nalulong siya sa drag racing, sa mga underground illegal racing sa L.A.

Nagustuhan niya ang pakiramdam na walang pakialam kung mamatay man siya o hindi. He felt free whenever his on the wheels. He doesn't care how reckless driver he was back then. Yun ang naging paraan niya upang kalimutan si Cady.

At doon niya nakilala si Carlos. Ang handler niya. Si Carlos ang nag-alok sa kanya na maging professional race track driver.

Nakikita daw kasi ni Carlos sa kanyang mga mata ang walang takot at walang habas na pagmamaneho sa tuwing makikipagkarera na siya. His desires to be on the top drives him to get mad on the stirring wheel.

Nagalit ang mga magulang niya sa kanya. Ngunit nakiusap siyang pagbigyan muna siya sa gusto niya. At ayaw man niyang mangyari pero naipasa sa kapatid niyang si Jervin ang responsibilidad na dapat ay sa kanya nakaatang.

Mabuti na lamang at may interes din ang kapatid sa kanilang kompanya kaya hindi naging mahirap dito ang pagtanggap ng mas malawak na obligasyon.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang propesyon kahit noong umuwi na siya ng Paris. Hanggang sa naging kilala siya sa larangang napili.

Masaya na rin siyang matagumpay na pinamumunuan ng kapatid ang kompanya nila kaya ipinaubaya na niya dito ang pamamalakad sa negosyo nila. Though sometimes, hinihikayat pa rin siya ng kapatid na dumalo sa mga board meetings at kung ano ano pang may kinalaman sa negosyo nila dahil may karapatan pa rin naman daw siya doon.

Sa bawat paglipas ng taon ay unti-unti ring naging maayos ang gusot sa pagitan nila ng magulang lalo na ng kanyang ama. At natanggap na rin na sa race track siya nababagay.

Things were going smoothly hanggang sa maimbitahan siyang manood ng isang fashion show.

Doon niya nakilala si Z de Madrid. Ang papasikat pa lang noon na modelo. Nabighani agad siya sa ganda nito.

Hindi niya napigilang lumapit dito upang makadaupang palad ang dalaga.

Ganun na lamang ang saya niya ng bukas palad nitong tinanggap ang pakikipagkaibigan niya.

Nadismaya lang siya ng malamang isa itong Pilipina. Hindi na naman niya maiwasang maalala ang babaeng nang-iwan sa kanya.

Nanariwa ang sakit kaya naman ipinasya niyang layuan na si Zoey. Ayaw niyang magkaroon pa ng anumang ugnayan sa kahit kaninong kalahi ni Cady.

Ngunit sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Hindi mawala sa isip niya ang maganda at maamong mukha ng dalaga. Lagi din niya itong nakikita sa mga magazines at billboards.

At ng minsang manalo siya sa French Open at nagkaroon ng victory party ang kanyang team ay nagulat siyang nasa venue rin ito.

Inimbitahan pala ito ni Carlos dahil kaibigan nito ang mga kaibigang modelo ni Zoey.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now