RR: Twenty-two

7.4K 145 29
                                    


"Ang tagal naman bumaba ni ate Cady.", nakapangalumbabang sabi ni Menche sa kakambal niyang si Moira.

Nasa may upuang rattan sila sa garden at pinapanood ang mama nilang nagdidilig ng mga halaman.

"Oo nga.", sang-ayon naman ni Moira. "Baka puyat?"

Tumaas lang ang balikat ni Menche sabay iling.

"Excited pa man din ako sa ituturo niyang putahe.", muling sabi ni Moira.

Napatingin naman si Jhoy sa relong pambisig ng marinig ang pinag-uusapan ng kambal saka nagtatakang tumingala sa taas ng bahay.

Magtatanghali na ngunit hindi pa bumababa ang dalaga. At nakakapagtaka yun lalo at hindi din ito bumaba kanina upang mag-almusal.

"Katokin niyo nga ang ate niyo at baka kung ano ng nangyari doon ay wala pa tayong alam dito.", utos ng ginang sa mga anak.

Agad namang tumayo ang dalawa at nagpaunahan pa sa pagpasok ng bahay.

.......

Ilang beses ng kumatok ang kambal sa kwarto ni Cady ay hindi pa rin nila ito nakakaringgan ng kahit ano mula sa loob.

Sinubukan na nilang pihitin ang door knob ngunit bigo silang mabuksan ang pinto dahil nakalock din yun mula sa loob.

"Moira tawagin mo na si mama dali!", nagpapanic na utos ni Menche sa kapatid.

Natatarantang tumakbo naman pababa ng hagdan si Moira na muntik pa niyang ikinahulog.

.......

"Mama!!", sigaw ni Moira mula sa loob ng bahay.

"Bakit?", kunot noong tanong naman ni Jhoy sa anak.

"Ayaw kaming pagbuksan ni ate Cady. Katok kami ng katok pero walang sumasagot. Nakalock ang pinto ng kwarto niya mama.", humihingal na imporma ni Moira sa ina.

"Baka naman tulog pa?", sabi naman ni Jhoy.

"Eh mama paano kung hindi?", nanlalaki ag mga matang saad ni Moira. Saka napaparanoid ang utak na umiling. "Baka nagpakamatay mama. Di ba ganun pag broken hearted?"

"Dyaskeng bata ka oo! Kung anu-anong sinasabi mo dyan!", sita ni Jhoy sa anak.

"Baka lang naman mama. Dali na buksan mo ng pinto. Di ba may master key kang hawak?", inalog alog pa ang braso ng ina.

"Baka uminom ng pampatulog mama tapos hindi na nagising. Hala mama mamamatay si ate Cady!"

"Uhm!", tampal ni Jhoy sa balikat ng anak. "Tala ibag bagam nga ubing dita!"

"Ket anya ngai garod?", rason naman ni Moira.

"Mama!", rinig nilang sigaw ni Menche mula sa loob kaya napatakbo silang mag-ina papasok.

"Bakit?!", halos pasigaw na tanong ni Jhoy ng nasa hagdan na sila.

"Ang tagal niyo! Asan ng susi?"

"Sigurado ba kayong hindi sumasagot ang ate niyo?", tanong muli ni Jhoy at umakyat na ng hagdan para siya na ang kumatok sa dalaga.

Kumunot ang noo ni Jhoy ng wala ngang sagot mula sa loob. "Menche kunin mo ang mga susi sa tokador sa kusina dali!!", utos niya sa anak.

........

"Ai na Apo Diyos ko!", malakas na saad ni Jhoy ng mabungaran nila ang nakahilatang si Cady sa kama.

Tila ito walang buhay. Nasa gilid nito ang nakabukas pang laptop at sa kamay nito ay....isang botelya ng gamot.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now