RR: Nineteen

8.1K 186 38
                                    


Hindi agad nakahuma si Cady mula sa narinig sa binata.

Tama ba siya? Pinapaalis na siya nito?

Mapait siyang ngumiti. Saka marahang naglakad papunta sa kanilang kwarto.

"J-jace.", anas ni Cady ng maabutan ang binata sa loob na nakaupo sa kama at sapo-sapo ang ulo.

Nag-angat si Jace ng paningin at pinasadahan ang kabuuan ni Cady.

"Just...just leave.", mahinang turan ni Jace.

Tama nga si Cady ng narinig kanina. Nagkibit balikat na lamang siya at tinungo ang closet nila. Hinila ang luggage at sinimulang mag-empake ng kanyang mga gamit.

Hindi niya maiwasang hindi mapaluha habang sinasalansan ang kanyang mga damit sa maleta.

Sa isang iglap, nasira ang naumpisahan na nilang magandang relasyon ni Jace.

In just one snap, everything was turned into disaster.

Pero ano pa ba ang magagawa niya kung siya mismo hindi niya mapatawad ang sarili sa nangyari sa baby niya. At dahil doon nanlamig ang pakikitungo niya kay Jace. A part of her still can't accept the fact that her baby was lost because her and Jace's selfish acts. She's treating Jace with mild reproof because of what happened.

Nang makita naman ni Jace na nageempake na si Cady ay walang salitang lumabas siya ng kwarto.

Kay bigat ng pakiramdam ni Cady habang isinasara na ang maleta niya

Hinila niya ito palabas ng closet at tumayo sa gitna ng kwarto.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan nun.

For months, this is her home. Spending precious memories with Jace.

Pinahid niya ang umalpas na mga luha mula sa kanyang mga mata bago tinungo ang pinto bitbit ang kanyang maleta.

Naabutan niyang nakaupo sa may sala si Jace at matamang nakatingin sa kanya.

"The cab's waiting for you outside. Hurry up before it leaves."

Para sinaksak ang puso ni Cady dahil doon.

Kanina habang nageempake siya ay iniisip niya kung bakit siya pinapaalis nito. Hanggang sa maalala ang naabutan ni Jace na katawagan niya sa telepono.

Pero handa ba siyang magpaliwanag? Or should she care to explain? In the first place, ito naman ang gusto niya di ba? Ang makawala kay Jace. Para makasama na niya si Jio ng walang iniisip na Jace.

Pilit niyang nginitian si Jace. Ibubuka na sana niya ang bunganga upang magpaalam sa lalaki ay nagtaas na ito ng hintuturo.

"Malaya ka na Cady. Our deal is over. Good riddance!"

Napatungo si Cady dahil doon. "But I love you.", saad ng dalaga sa isip.

Nag-angat siya ng tingin saka tumango kay Jace. "Take care always Jace.", mahinang usal niya bago niya hinila muli ang maleta at walang lingon likod na umalis ng bahay.

Nasa gate na siya ay rinig niyang may nabasag sa loob. Kating-kati ang paa niyang tumakbo pabalik, but she choosed not to go back inside. It's his choice anyway na paalisin siya.

She immediately get in the taxi and instructed the driver to leave.

Napasapo siya ng noo niya. San ba siya pupunta ngayon? Pagabi na.

Cady asked the cab driver to bring her to a hotel near the airport.

Magpapa-book na muna siya ng flight. Hindi siya magbabaka-sakaling maging chance passenger. Hindi niya kaya sa ngayon ang mag-antay ng walang kasiguraduhan lalo at pakiramdam niya ay nawiwindang pa siya sa ginawang pagpapalayas sa kanya ni Jace.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang