RR: Nine

9.4K 179 3
                                    


Hindi mapalagay si Cady habang nakaupo sa passenger seat sa harap ng kotseng minamaneho naman ni Jace.

Alumpuhit siya sa kinakaupuan at ilang beses ng nagpapakawala ng malalalim na buntong hininga.

"Relax baby!", natatawang sambit ni Jace ng maramdaman ang lihim niyang pagpapanic.

"You never inform me about this. And I hate it Jace.", hindi nakatiis na sumbat ni Cady sa binata.

Jace just chuckled at the thought. "Just be yourself. My family won't bite."

Muling bumuntong hininga si Cady saka isinandal ang ulo at pumikit.

"Bakit Cady? Ayaw mo bang makilala ang mga magulang ko?", malumanay na tanong ni Jace.

Napamulat naman muli si Cady saka nilingon ang lalaki.

Kita niya ang pag-galawan ng mga muscles nito sa mukha. Napadako rin ang tingin niya sa kamay nitong napahigpit ang pagkakahawak sa manibela.

"N-no but...", she whispered.

Naramdaman ni Cady ang pagbilis ng takbo ng sasakyan.

"Jace!!", agap niya sa binata.

Hindi sumagot si Jace ngunit pinanatili ang bilis ng takbo nila.

"I just didn't see it coming Jace. I think its too soon. Anong sasabihin nating relasyon natin?"

"Do you expect me to tell them the truth?", madilim ang mukhang sabi ni Jace. "You will live to my house, you will be with me the whole time. Hindi ba dapat makilala ka ng mga tao sa paligid ko. People will gossip you know. At least spare the news to my family specially my parents. At wag kang mag-alala, kung yan ang ikinakatakot mo, hindi kita ipapakilalang girlfriend! A simple friend will do if that's what makes you sleep at peace! O kaya P.A, para may rason bakit lagi tayong magkasama!" mahabang turan ni Jace.

Hindi naman inaasahan ni Cady ang mga narinig niya at aaminin niyang may kurot sa puso siyang naramdaman dahil doon.

"It's all up to you.", mahinang bigkas ni Cady saka nilipat ang paningin sa bintana sa tabi niya at pinagmasdan ang tanawing nadadaanan nila.

........

Kita ni Cady ang maliwanag at maluwang na solar nang makapasok sila sa drive way ng bahay ng mga magulang ni Jace.

Sa dulo ng drive way ay makikita ang two-storey mediterranian mansion ng pamilya ng lalaki. Halata ang karangyaan ng mga ito.

"J-jace...", anas ni Cady ng makahinto sila at makitang nasa bungad ng pinto ang dalawang matandang at isang lalaking hinuha niya ay kapatid ni Jace na halatang hinihintay ang kanilang pagdating.

Humarap si Jace sa dalaga at ginagap ang mga kamay nito. Napakunot noo siya ng maramdamang nanlalamig ang mga kamay ng dalaga.

"Are you nervous?", he asked as his eyes roamed around Cady's physique.

Hindi makuhang magsalita ni Cady kaya tumango lang siya at nag iwas ng tingin sa lalaki.

"Don't be baby.", saad ni Jace saka nginitian ang dalaga at hinalikan ang mga kamay nito.

Tinitigan muli ni Jace si Cady at masuyong hinalikan ang noo nito. "I'm sorry if I say those words to you a while ago baby. Let me handle everything 'key?"

"W-what do you mean?", sa wakas ay nahanap ni Cady ang boses.

Jace smirked and kissed Cady's lips. "They already knew you. Trust me baby."

Napapantastikuhang nakipagtitigan si Cady sa binata. Binabasa ang emosyong nakabalatay sa mukha ni Jace.

At wala siyang makita doon kundi ang sinserong pakiusap. Kaya naman para siyang nahihipnotismong tumango sa lalaki na ikinangiti at ikinatango din naman ni Jace.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now