RR: Twenty-one

8.3K 178 29
                                    


Napahinga ng malalim si Cady ng makalabas na siya ng MIA. Its been months rin mula ng umalis siya ng Pilipinas and its so good to be back.

Sumakay siya sa unang nakalinyang taxi sa labas at nagpahatid sa terminal ng bus pauwi ng Pangasinan. Kaya naman niyang umarkila ng taxi hanggang probinsya kaso mas pinili niyang sa bus na lang sumakay. Gusto niyang malibang kahit papaano. Para pagdating ng bahay, pagod na ang katawan niya at itutulog na lang. Ayaw na niyang mag-isip pa ng kung anu-ano.

Ayaw niya ring tumuloy sa condo. Maaalala lang niya doon si Jace at mabuburyong lang siya lalo.

At least sa probinsya, may mga makakausap siya at aaliw sa kanya.

Baka next week kung papalarin ay lilipad naman siya ng Australia. Bukod sa miss na niya ang mga magulang at ang kanyang kuya at gusto rin niyang kausapin ng personal si Jio. Ang lalaking nagpabago sa kanyang buhay. Ang lalaking nagturo sa kanya na maging matured sa lahat ng bagay.

Kaya nga ngayon ay hindi na siya katulad ng dati at batang Cady na walang pakialam sa mundo masunod lamang ang gusto.

She learned a lot from Jio. Thanks to him.

Mabilis lang siyang nakarating ng terminal, mabuti na lamang at hindi gaanong trapik.

Matapos ma-i-settle ang bagahe niya sa konduktor ng bus na sasakyan ay humanap na siya ng pwesto sa gitnang bahagi.

Ngayon lang ulit siya magco-commute. Ang sasakyang binili nila ni Jace nung nandito pa sila sa Pinas ay nasa pangangalaga ng katiwala ng bahay nila sa Pangasinan na si Ate Jhoy.

Pangalawang pinsan ito ng daddy niya. Sa kanila tumira nung pinag-aral ng kanyang lolo at hanggang sa tumanda at nagka-asawa ay doon na nanirahan sa compound nila.

May sarili itong bahay hiwalay sa main house kaya kahit papaano ay magkakaroon siya ng privacy.

Isa pa, siguradong maaaliw siya sa kambal na anak na babae ng ate Jhoy niya.

Sina Menche at Moira. Labing-limang taong gulang na ang mga dalaginding at parehong kalog.

Nang makaupo siya ay wala sa loob na hinalungkat ang bag upang tignan ang kanyang cellphone.

Nangunot ang noo niya ng makitang may mms siya. Nagtatakang binuksan niya iyon at halos mahulog sa kandungan niya ang hawak na aparato sa napanood.

Nagpupuyos ang kaloobang pinagmumumura niya si Jace sa isip.

May pa-sorry-sorry pa itong nalalaman tapos ang lakas ng loob ng walang'ya na padalhan siya ng video nito na may karomansahan!

Isa't kalahating gago rin talaga eh!

Sumandal siya sa upuan at hinilot ang sentido.She's having a jet lag. At mas sumakit pa lalo ang ulo dahil sa napanood.

Tumingin siya sa labas ng bintana at bumuntong hininga.

Suddenly, she felt this emptyness no one could even fathom. Kahit naman galit siya sa lalaki, nasasaktan pa rin naman siya.

Sa maikling panahong nagkasama sila ni Jace ay totoong natutunan na niya itong mahalin.

Kung hindi lang nangyari ng mga nangyari, siguro masaya pa rin silang nagsasama sa ngayon.

Nakaplano na nga ang pagbisita nila sa mga magulang niya sa Australia sa susunod na buwan kung saan gaganapin ang susunod na race car tournament ni Jace.

Kaso lang, mukhang hindi na yun matutuloy pa. Hindi na napigilan ni Cady ang pag-alpas ng kanyang mga luha.

"Why Jace? Sabi mo mahal mo ako? Bakit ngayon may iba ka na agad?", piping hinaing ni Cady.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now