RR: Seventeen

8.1K 193 43
                                    


Napahawak ng mahigpit si Cady sa kwelyo ng damit ni Jace habang kalong siya nito ng maramdaman ang hindi niya maipaliwanag na sakit sa kanyang puson.

Parang may hinuhugot palabas sa kanyang sinapupunan.

"Jace!!", iyak niyang tawag sa binata.

Hindi niya maiwasang mapaungol ng malakas sa sakit na nararamdaman.

Hindi naman malaman ni Jace ang gagawin. Kung saan niya hahawakan si Cady. Niyakap niya ito ng mahigpit at nagdasal na sana walang masamang mangyari sa mag-ina niya.

Pakiramdam niya humihiwalay na ang ispirito niya sa katawang lupa niya.

Ayaw niyang tignan ang ibabang bahagi ng katawan ni Cady. Kung saan patuloy ang pag-agos ng dugo doon.

Inuusig siya ng konsensya at nakakaramdam ng pagsisisi.

"Im sorry baby.", bulong niya sa dalaga na ng titigan niya ay napagtanto niyang nawalan na ito ng malay!

"Cady!! Baby please wake up!!", sigaw ni Jace habang niyuyugyog ang dalaga.

"What's happening?!", nagpapanic na tanong ni Jervin.

"Make it fast Jervin! Oh God plese make it more faster!", sumamo niya sa kapatid saka dinama ang carotid pulse ni Cady.

Nakahinga siya ng maluwag ng pumipintig pa naman ang pulso nito.

Muli niyang niyakap ng mahigpit si Cady saka buong pagsisising humingi ng tawad sa dalaga.

Dahan-dahan niyang iginala ang paningin pababa sa mga hita ni Cady.

Napapikit siya ng mariin sa nakikitang dugo doon. Pati ang seatcover ng sasakyan ni Jervin ay namantsahan na rin ng dugo. Ang kanyang suot na pantalon ay puno na rin ng dugo ang kanang bahagi.

Lumungayngay ang ulo ni Cady na lalong nagpadama kay Jace ng takot.

"Jervin!!!", sigaw niya sa kapatid.

"Damn!! Dont shout you idiot!", ganting singhal din nito. "You make me feel nervous too!"

Labin-limang minuto pa ng makarating na sila ng hospital.

Halos liparin niya mula loob ng kotse papasok sa Emergency Room ng hospital habang karga-karga ang walang malay na si Cady.

Nagpapanic na ipinahiga niya ito sa stretcher at susunod pa sana sa loob ng E.R. pero hinarangan na siya ng dalawang nurse.

Para siyang malalagutan ng hininga sa kaba habang pabalik-balik siyang naglalakad sa bungad ng pinto.

Nakaramdam siya ng tapik sa balikat at paglingon niya ay ang kapatid ang sumalubong sa kanyang mga mata.

"Qu'est-il arrivé? (What happened?)", alalang tanong ni Jervin.

"My fault! Its all my fault!", naluluhang sagot ni Jace.

Nagtatanong ang mga matang kinunutan ng noo ni Jervin ang kanyang kuya.

"She told me she's pregnant. I got furioused. I dragged her harshly. She fought me back. Until she bleeds."

"Oh...", seryosong tingin ni Jervin.

Magsasalita pa sana muli si Jervin ng mula sa labas ay nakita nila ang halos patakbong paglapit ni Valentine sa kanilang magkapatid.

"Comment va Cady? Est-elle bien? Comment va le bébé?? (How's Cady? Is she alright? How's the baby??)", nagpapanic at sunod-sunod na tanong nito habang papalapit sa magkapatid.

Pinaghahampas ni Valentine si Jace ng makalapit siya dito!

"Qu'est-ce que tu as fait?! (What did you do?!)", asik ni Valentine sa binata.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now