RR: Twenty-seven

8.5K 177 29
                                    


Nagulat si Cady sa ginawang pagyakap sa kanya ng kinakapatid kahit na nakaharap ang asawa nito kaya naman naiilang siyang tumingin kay Zoey.

At sa pagtataka niya ay hindi niya ito kababakasan ng galit o maski selos man lang. Sa halip ay nakangiti pa ito sa kanila.

"Uy, Shin!", tulak ni Cady sa lalaki.

"What? May masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo? Wait. Ipapatawag ko ang doktor.", tuloy-tuloy na sabi ni Shinrei saka hinugot ang walkie-talkie niyang nakasabit sa tagiliran niya at sinabihan ang sekretarya na papuntahin sa resthouse ang doktor.

Matamang nakikinig lang ang dalawang babae. Hindi makatingin si Cady kay Zoey sa hiya at tila naramdaman naman yun ni Z kaya siya na ang kumilos at niyakap ang dalaga.

"Its okay. Wag ka ng mailang sa akin Cady.", bulong ni Zoey habang nakayakap siya sa babae.

"I'm...ah...I believe...I haven't ask for forgiveness..Zoey..", usal ni Cady. "I...I'm sorry."

Humiwalay si Zoey sa pagkakayakap saka tinitigan ang kaharap. "Unconsciously, you already did.", saka napakunot noo. "Wala ka bang naaalala?"

Nakagat ni Cady ang ibabang labi saka umiling. "The last time I know ay nasa kwarto ako. Nanonood ng...", hindi natuloy ang sasabihin niya. Napatulala at para na naman siyang nag-space out.

Nabahala naman doon si Zoey kaya bahagya niyang niyugyog ang dalaga sa mga balikat saka tumingin kay Shinrei na naroon na naman ang pag-aalala sa mga mata.

Lumapit muli si Shinrei sa dalawa at buong suyong hinagod ang likod ng dalaga.

"Cady, are you alright?", tanong ni Shinrei. Sabay tapik pa sa braso nito.

Napapitlag si Cady at pinaglipat-lipat ang tingin sa mag-asawa.

"Ugh...yeah...o-okay lang ako.", at pilit pang ngumiti.

"Padating na ang doktor. Halina muna kayo sa bahay.", yaya ni Shinrei sa dalawa.

........

PERTH, AUSTRALIA.

"Hello Shin?", bungad ni Jace ng sagutin niya ang tawag. Sandali niyang pinakinggan ang sinasabi ng lalaki. Bumalatay ang galak sa mukha ng binata at hindi masupil ang ngiti sa mga labi. "That's really a good news. Gusto ko na tuloy umuwi. Kaso hindi na ako papayagan ni Carlos lalo at next week na ang SuperCars.", sandali siyang huminto bago muling magsalita. "Oo. Kasama ko sila. Andito ako ngayon sa bahay nila."

"Sinabi mo ba ang lagay ni Cady?", tanong ni Shinrei sa bagong kaibigan.

"Not yet. Kailangan pa ba? Sabi mo naman okay na sya diba? Baka kasi mag-alala lang sila dito. Lalo na si Jio."

"Huh? Sinong Jio?? May anak na si Draco??"

"Nope. You won't believe this dude. Pero saka ko na ipapakilala sayo si Jio. But please. Wag mo munang ipaalam sa baby ko na kilala ko na kung sino si Jio. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya lalo ngayon na kakarecover lang niya."

Pero hindi yun ang umagaw ng pansin ni Shinrei. "Hahahahah", tawa ng malakas ni Shin. "Baby mo? Possessive pare huh?"

"Idiot! Like as if hindi ka ganyan kay Z!", ganting buska naman ni Jace.

Saka sila natawanang dalawa.

"Please do take care of her while Im away Shin."

"You dont have to beg Jace. Aalagaan namin siya ni Zoey wag kang mag-alala. Just win the race and dont you dare loss! Malaki ang pusta ko kay Iñigo!"

Natawa muli si Jace. "Gambler!"

"Wala ka na dun!"

"So where is my baby? Pwede ko bang makausap?"

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now