RR: Thirty-two

11K 259 51
                                    


Kinagabihan ay naglambing si Jio sa mommy at daddy niya na tumabi sa mga ito sa pagtulog.

Nasa master's bedroom silang tatlo. Nakasandal si Cady at Jace sa headboard habang nasa pagitan ng paanan naman nila si Jio na naka-indian sit paharap sa kanila.

Napahagikhik si Cady ng mapansin ang pilit itinatagong busangot na pagmumukha ni Jace sa anak.

"Buddy, di ba big boy ka na?", tangka pa ni Jace na pigil sa anak.

"Yes but dad, I really missed mommy so much!", napalabi namang sagot ni Jio kay Jace. "I want to sleep beside her!"

"But you have your own room right?", giit naman ng ama. "And I miss mommy, too!", sabay kabig pa niya sa beywang ni Cady palapit sa katawan niya.

"Mas big boy ikaw sa akin daddy eh!", baluktot na tagalog ng bata. Marunong itong umintindi ng tagalog ngunit hindi makapagbitaw ng salita ng diretso.

"But Im the daddy! And mommy and daddy are supposed to be sleeping together."

"And I am the son!", laban naman ni Jio sa katuwiran ng ama. "Your son."

"Big boys like you can sleep on their own...in their rooms buddy.", pilit pa ring sabi ni Jace.

Nakasimangot na bumaling si Jio sa ina. "Mom, let's sleep in my room instead.", yakag niya sa mommy niya. Tumayo pa ito sa kama at iniaabot ang kamay kay Cady.

Umungol ng protesta si Jace at umangat pa ang likod mula sa pagkakasandal sa headboard.

Hindi napigilan ni Cady ang pagkawala ng sinusupil niyang tawa kanina pa dahil sa pagbabangayan ng mag-ama.

"Baby! Don't tell me iiwan mo talaga ako dito?", nagkakahanda-haba ang ngusong sabi ni Jace kay Cady na inabot ang kamay ni Jio saka maingat na hinila pakandong sa mga hita niya.

"Bakit ba ayaw mong katabi si Jio?", naglalaro ang pilyang mga ngiti sa labi ni Cady.

Lalo namang napasimangot si Jace sa sinabing iyon ni Cady.

"Paano kita masosolo pag katabi natin si Jio.", bubulong-bulong na saad pa ni Jace.

"What daddy?", tanong ni Jio.

"Wala.", nakangusong sagot ni Jace sa anak.

Sa huli ay napipilitang umoo na lang si Jace sa gusto ni Jio.

Napapagitnaan nilang dalawa si Cady. Si Jace na nakatihaya lang sa kama. Si Jio na nakatagilid paharap sa ina habang nakadantay ang ulo sa may balikat ni Cady at nakayapos ang braso sa leeg nito na siya namang dahilan ng walang tigil na buntong hininga ni Jace.

"Tsk!", ani Jace.

"Jace, matulog ka na nga diyan at wala ka namang magagawa pa. Tulog na ang anak mo pero ikaw nagmamarkulyo ka pa rin.", hindi na napigilang sita ni Cady sa binata.

Nakasimangot na humarap si Jace sa dalaga. "Ganyan ba kayo lagi? Magkatabi matulog? Magkayakap?"

"But of course!", natatawang sagot ni Cady.

Dahil doon ay muling bumuntong hininga ang binata.

"Oh my God Jace!", Cady exclaimed. "Are you jealous?!", hindi napigilang saad niya.

Naging mailap naman ang mga mata ni Jace.

"Seriously?! With our own son??"

"Can you blame me?", asik naman ni Jace saka patalikod na dahan-dahang pumihit mula sa kama.

Maingat namang inalis ni Cady ang anak mula sa pagkakadantay sa kanya bago hinarap ang nagtatamporurot na binata.

"You don't have to feel that way Jace. He is your son. Our son.", paliwanag ni Cady. Umangat ng konti ang katawan niya at ipinatong ang baba sa balikat ng nakatagilid na binata. Ingat na ingat na wag masagi ang ibabang katawan nito.

Forever Love Series 2: Racer's Revenge (R-18) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant