Next na kumanta..guess who?

Si Louise naman ang napili nyang kantahin ay "More than you'll ever know" ni Michael Ruff.

Shiiiit mamatay na ata ako sa kilig, nakatingin siya sa akin habang kinakanta yun.

I bit my lips para pigilan mapasmile ng bongang bonga. Mahirap na baka mahalata kami, busy naman kasi sila kakahanap ng songs sa songbook kaya hindi nila kami napapansin.

She's a really good singer, ang ganda ng boses nya, parang anghel na bumaba galing langit. Damn it, ang puso ko parang tinusukan ng caffein ayaw na kumalma, nagwawala parang wild beast.

Sinamantala ko yun time na busy yun mga kasama namin at pinagmasdan ko sya habang kumakanta, yun akala ko na walang ibang nakatingin ng oras na yun eh mali pla ako.

Ang mahaderang si Nathalie nahuli pla ang "moment" namin dalawa at ngayon ay palipat lipat ang makahulugang tingin sa amin ni Louise sabay smile ng nakakaloko.

Sabunutan ko kaya? Kahapon pa ko badtrip sa babae na to eh.

Nang matapos na si Louise ay si Enzo naman ang kumanta. Ang napili nya "Nasa iyo na ang lahat" ni Daniel Padilla. Aba feel na feel nya ang pagiging look alike nila dalawa ah. Tumayo pa si Enzo habang kumakanta, inayos pa ang kwelyo ng suot nya na polo.

Nakangiting humarap sya kay Nathalie habang kumakanta kinuha pa nya ang kamay ni Nathalie ay pinatayo sa tabi nya. Akala mo artista na kumakanta sa kanyang kalove team.

Panay sigawan at kantyawan nina Nathan at Migs, tuwang tuwa ang lahat. Syempre pwera lang sa isang tao...si Tracy. Napansin ko tahimik lang sya hindi nakikigulo sa iba.

Hinawakan ko ang kamay nya saka pinisil, tumingin siya sakin bago nagsmile, pero yun smile na hindi umaabot sa mata. Mababanaag pa din ang lungkot.

"Ok lang ako Frances, don't worry.." sabi nya sakin, pero alam ko naman na hindi. Parang maiiyak na nga sya sa itsura nya.

Nang matapos si Enzo, kanya kanya na silang agawan sa mic at pagreserve ng song.

Nagsave din ng song si Louise, sinilip ko ano yun kakantahin nya. "Ako'sayo at ika'y akin lamang" pala yun nireserve nya. Napangiti ako, I can't wait to hear her sing again.

After 3 hours ng kulitan, kantahan at minsan asaran, naubos na din yun chips na dinala namin.

Naisipan na namin lumabas para magswimming, last na gabi na namin dito. Parang nakakalungkot din, iba kasi dito ang saya saya ng atmosphere namin.

Lalo na kasama ko si Louise, speaking of that gorgeous girl..mabilis sya hinanap ng mga mata ko. Kaso hindi ko sya makita baka nasa loob pa sya ng resthouse.

Kasalukuyang nakaupo ako sa long chair dito malapit sa dagat, tanaw na tanaw ang sunset..ang ganda ganda ng kulay ng kalangitan magkahalo ang kulay orange at pula, parang ang sarap iguhit sa canvass.

"A penny for your thought?" kahit hindi ako lumingon alam ng puso ko ang boses na yun..si Louise.

Tumabi siya sa akin, magkadikit ang mga balat namin. Nakasuot ako ng tank top ko na color yellow and white sexy short, while she's wearing a light blue top and black swimming shorts. Nagpalit pala siya ng damit kaya pala wala siya dito kanina.

I smiled at her, ang sexy nya tignan, so yummy. Im so perv right now, nakatitig ako sa flawless legs nya.

"Eyes are up here Mine.." natatawa na sabi nya.

As usual nagblush na naman ako saka ko siya pinalo sa braso, tuwang tuwa naman sya.

Naaala ko bigla yun mga nangyari kanina, yun pangdedeadma nya sa akin pati yun pahawak kamay pa nya kay Nathalie kaninang tinawag nya kami ni Migs.

"Galit pla ako sa'yo." sabi ko while pouting my lips.

"O bakit naman? Ako nga dapat magalit." sabi nya while tucking her hair in her ears. Ang lakas kasi ng hangin dito.

"Really now? Sino kaya ang nangdedeadma kanina!" giit ko pa.

"Ganun ba? Sino naman ang sweet na sweet na magkayakap kanina sa dagat ?" Nakasimangot na sabi nya habang nakacrossed arms.

Ang cute cute nya tignan pag ganun nagseselos sya. Kaya hindi ko mapigilan kurutin siya sa pisngi.

"Aray ang sakit mo naman mangurot!" sabi nya habang hinihimas pa yun pisngi nya.

"Tumigil ka nga sa arte mo Mine baka halikan kita dyan." nakasmile na sabi ko habang nilalapit ko yun mukha ko sa kanya.

"Sige nga, I dare you!" nanghahamon nya na sabi, mas nilapit nya yun mukha nya sa akin saka pinikit ang mga mata.

One inch na lang ang pagitan ng mukha namin ng bigla ko inilayo "haha gusto pla magpahalik kunwari ka pa dyan ah." tuwang tuwa ako at naisahan ko na naman sya.

Maang na napadilat sya "What? Niloloko mo lang pla ako ha?" sabay kiliti nya sa bewang ko, alam nya kasi malakas ang kiliti ko dun.

"Haha ano ba Louise, may kiliti ako dyan!" tumayo ako bago patakbong lumayo, sinundan nya ko habang tumatawa pa din.

Dahil sya ay athlete at ako ay simpleng taong walang hilig sa sports, hindi na ko nakalayo at naabutan nya ako.

"Huli ka! " sigaw nya habang nakayakap sa waist ko.

Na out of balance kami dalawa at sabay na natumba sa buhanginan. Ako ang nasa ilalim at sya ang nasa ibabaw ko, wala pa din tigil ang tawanan namin.

Nang marealize namin yun position namin dalawa..bigla kami napatigil sa pagtawa at napatitig sa mata ng isa't isa.

Ang tingin nya mula sa mga mata ko ibinaba nya sa labi ko. Nasa ganun kami position nang may biglang nagsalita sa likuran namin.

"Anong ginagawa nyong dalawa dyan?"

Mabilis na umalis si Louise sa ibabaw ko bago tumayo pinagpag nya yun shorts nya bago tinulungan din ako tumayo.

Paglingon namin, it was Nathalie. Ang mahaderang babae laging panira ng moment namin.

She was smirking while her black round eyes were holding a mischievous glint.g

My Ex-boyfriend's girlWhere stories live. Discover now