Chapter Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

♡_♡

Nabubusog ang puso ko! Napapangiti ng walang dahilan. Grabe! Versace, my labs! Ikaw lang ang nakakapagpangiti sa akin ng walang importanteng dahilan! Nagkanta at nag gitara ka lang kinilig na ako! What more pa kaya kung malaman kong gusto mo na ako? Siguro hihimatayin ako sa sobrang kasiyahan! Hayy!

'Soon, beybey. Soon!'

♡_♡

Nagpaulit-ulit lang ang mga ginagawa namin sa bawat bahay na dinadaanan namin. Mayroong natutuwa at nagagandahan sa mga boses namin ngunit mayroon ding mga bitter na imbes na magbigay ay pinapalayas kami. Tsk! Mga tao nga naman oh!

"Pagod na 'ko!" Napaupo si Versace sa may upuan. Nandito na kami sa may park ngayon dahil gusto na naming magpahinga. Sobrang nakakapagod. Kaunti pa lang ang naiipon namin!

"Ako rin! Ang dami na nating natapos. Pero ang konti pa nito." Sabi ko sabay tingin sa lalagyanan ng mga nakukuha naming pera sa bawat bahay. Umupo ako sa tabi niya at napahinga ng malalim. Nakakapagod! Ang sakit na ng mga paa ko!

"Ang sakit na ng lalamunan ko." Ani pa ni Versace saka iniunat ang leeg sa magkabilang gilid.

"Kaya nga eh. Mapapaos nyan tayo." Sabi ko saka tumingala sa langit. Gabi na kaya naman ang mga nagkikislapang mga bituin na lang ang nandoon kasama ang buwan. "Wait lang. Bibili ako ng makakain at maiinom. Stay ka dyan ha?" Tanong ko pa sabay tayo. Akma na sana akong maglalakad palayo para bumili nang maramdaman kong may kamay na humawak at pumigil sa kaliwang kamay ko. Tinignan ko yon at nakita si Versace.

"Ako na." Sabi niya lang at iginiya ako papaupo. Siya ang tumayo at saka naglakad papalayo. Napabuntong hininga naman ako at naisip na naman ang librong binili ko. Madalas na akong napapaisip. Ibig bang sabihin nyan ay tumatalino na ako? Yes 'no? Yes! Orayt! Hindi na ako sasabihan ng tanga ni Versace, my labs! Yoohooo!

Pero...kidding aside, naalala ko yung book. Binasa ko kanina yon at base sa pagkakaalala ko ay tungkol sa syota ang next na reason kung bakit hindi raw ako crush ng crush ko.

REASON #3 KUNG BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO

May syota siya o may syota ka.

Yon. Yon ang number 3. And clearly, alam ko ang sagot ko. Wala akong syota. Never pa akong nagkaron. Kaya ang tanging tanong ko na lang ay kung may syota na ba ang crush ko. Alam ko wala. Sapagkat he can't move on nga di ba? Stuck. He's stuck on that scene where he and her ex girlfriend was happy. He can't get her off his head. Because he never tried.

Maya-maya ay dumating na si Versace dala ang pagkain at inumin na binili niya. Kumain lang kami ng tahimik at walang nag-atubiling sumira sa katahimikan. Pero ilang saglit din ay nabasag ang kanina ko pang hinihintay na matigil.

"May naisip na ako." Napalingon ako saka nagtatakang tumingin. Nagside siya ng upo kaya nakaharap siya mismo sa akin. Ako naman ay nakaupo lang ng ayos habang nakabaling ang tingin ko sa kanya. "Dito na lang tayo mag caroling. Maraming tao rito kaya siguradong sila ang lalapit ng kusa kapag narinig nila tayo. Let's give our best so we can steal their attention. Be energetic and smile. Last na rin naman 'to pagkatapos diretso na tayo sa orphanage. So, you in?" Tumango na lang ako saka lumagok sa inuming binili ni Versace.

"But can you smile??" Pilit ang ngiti ang ipinaskil ko sa mukha ko habang taas kilay na hinihintay ang sagot niya. "'Cause I think you can't." Pinaikutan niya lang ako ng mata kaya napangisi na lang ako sabay iling.

Pagkatapos naming maubos ang pagkain namin ay hinanda na namin ang kailangan namin. Inayos niya ang gitara niya at ako naman ay kinuha ang case ng gitara niya at inilatag yon sa sahig. Doon ilalagay ng mga tao ang donation nila. Sana mapuno.

"Let's start." Sabi lang ni Versace saka bigay todo na pinatugtog ang gitara. Kita ko namang nagtinginan ang iilang tao sa amin kaya naman mas ginanahan ako. Kailangan kong lakasan ang boses ko para mas makaakit ng atensyon.

"I don't want a lot for christmas. There is just one thing I need..." kanta ko sabay indak sa pagpapalit-palit ng tayo. Galaw dito. Galaw doon.

"I don't care about the presents. Underneath the christmas tree. I just want you for my own. More than you could ever know..." Mas lumapit ako kay Versace at hindi inialis ang titig sa kanya.

"Make my wish come true. Baby, all I want for christmas is you!!!" Turo ko kay Versace kaya naman napatingin siya sa akin at napangiti!

'Ang gwapo ng asawa ko! Hehehe!'

Mas ginanahan ako dahil sa ngiti ni Versace. Napapaindak na talaga ako at nakuha kong maimpluwensiyahan ang mga taong ngayon ay nanonood na sa amin. Naghahagis na sila ng pera sa guitar case at saka babalik sa panonood sa amin. Ang lahat ay pumapalakpak, sumasabay sa beat ng awit. Ang saya nilang tignan!

"I don't want a lot for christmas. There is just one thing I need. I don't care about the presents. Underneath the christmas tree..." Nagawa na lang din na tumingin sa akin ni Versace habang nakangiti. Kinikilig tuloy ako! Shettt!!!

"I don't need to hang my stocking. There upon the fireplace. Santa Claus won't make me happy. With a toy on christmas day..." hindi ko na nagawa pang ialis ang tingin ko kay Versace habang buong pusong ginagawaran siya ng napakalawak na ngiti. Pakiramdam ko kami na lang ang tao dito at wala ng iba pa. Nagawa nang maglaho ng mga taong halata ang kasiyahan sa aking paningin dahil sa oras na ito ang nais ko lang ay ang ngiti at atensyon ni Versace! Shems! Ito na nga yata! The beginning of our love story! Kyaaaaah!!!

"I just want you for my own. More than you could ever know. Make my wish come true. Baby all I want for christmas is you. You, baby!!" Sabay kami ni my labs sa part na yon at never kong ibinaling sa iba ang paningin ko. Siya naman ay tumitingin sa akin pero madalas ay tumitingin siya sa gitara niya o di kaya naman ay sa audience.

"Oh, I won't ask for much this christmas. I won't even wish for snow. And I'm just gonna keep on waiting. Underneath the mistletoe..." pinilit kong ituon na lang ang paningin ko sa mga nanonood sa amin. Baka kasi mapaghalataan na ako na patay na patay ako kay my labs!

Nakita kong marami na nga ang laman ng guitar case at nasisigurado kong lagpas na sa inaasahan namin ang bilang ng mga perang nandoon. Ayos! Hahahaha!!

"Cause I just want you here tonight. Holding on to me so tight. What more can I do? Baby, all I want for christmas is you!" Sabay kami ni Versace dito kaya naman nakatingin kami sa isa't isa. "You....Baby!" Turo ko sa kanya pero laking gulat ko nang kumindat siya at mas nilakihan ang ngiti!!! Omo!!! This is! This is just! So ameyziiiing!

♡_♡

Kiligity on my bones! Wiyung wiyung!!! Nyaaaaah!!!

♡_♡

Natapos ang kanta at pinanood ko si Versace na bitawan ang gitara niya sa isang tabi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko!!!

'Kyaaaaaaaaaaahhh!!! Yieeeee!'

Nagbow siya kaya napagaya na lang ako. Nanlumo ako nang bitawan niya ang mga kamay ko. Pero nanumbalik ang saya ko nang hapitin niya ang beywang ko at ako'y inilapit sa kanya!!!

♡_♡

Ako'y kinikilig! Sa tuwing ikaw ay lalapit ako'y nanginginig! Nananananananananana!!!! Natutuwa sayong piling! Oh ikaw nga ba ang pag-ibig?!!!!

♡_♡

"Good job!!" Masayang bulong ni Versace sa mismong tenga ko! And that! Send me shivers to my whole and sexy gorgeous body!! Shocking! Kyaaaaaah!!!

Wala sa sariling napayakap ako kay Versace ng napakahigpit. Doon ko na lamang naalala na may mga tao nga palang nanonood! Nagpapalakpakan sila! Waaaaaaah!!! Nakakahiya!

Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Versace dahil sa sobrang hiya! Naramdaman kong ibinalik naman niya ang yakap ko kaya doble Kyaaaaaaaaahh!! AmaZayn!!! This made my day! And night!!! Best day ever!

♡_♡

Pure KILIGITY in my bones mga besh!!!!

♡_♡

∩_∩

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon