Chapter 37- Short update (DEAL)

Start from the beginning
                                    

Oo, kahit galit ako sa kanya ay updated pa din ako.. E bakit ba?! -__________- Gusto ko e. Hmp.

Madalas akong mag advance reading kaya naman kahit hindi ako madalas magsabi na nagaaral ako ay may naisasagot naman ako sa mga exams namin.. Hindi naman masyadong mahalaga ang ranking para sakin pero dahil sa issue ay hindi ko maiwasang magisip ng pwedeng sabihin sakin nila mommy.

“Miss Chua, are you okay?” tanong ni Mr. Mendoza, naalala ko tuloy nung day na nalaman ko na bading sya. Mabuti nalang at hindi pa sinasabi ni Harris ang tungkol dito sa head dahil kung hindi ay matagal ng wala si Sir.

Nginitian ko ito. “Okay lang sir.”

“Teh you should claim your rank position. Kaya mo yan!” minsan kahit nakakairita ‘to si Jm ay sweet pa din naman.

“I will, Jm. Don’t worry.”

“As if I will give you a chance.” May mokong na sumabat. Pwede ko kaya ‘tong batukan? -_- “Let’s have a deal Miss Chua.” Sabay harap sakin. Nakatuon na naman samin lahat ng atensyon.

“Kapag nakuha ko ang position number 1, you’ll be my slave..  For one straight week.” Ang sarap niya talagang ipakaen sa mga pating. Leche. Maiinlove na nga lang, sa mayabang pa na unggoy na ‘to.

“Don’t push your luck Bryan, hindi papayag si Lian sa mga kalokohan mo. Isip bata.” Inis na sabi ni Jake, tumayo naman agad si Bryan at umambang susuntukin si Jake, mabuti nalang at napigilan ito nila Alvin.

“Easy, bro!” –Alvin

“E gago yang hilaw na sushi na yan e, hindi naman siya ang kausap ko sabat ng sabat!”

“Mr. Harris, please take your sit. Wag kayong magaway sa klase ko.” Kawawa naman si Sir Mendoza, mukhang wala silang balak pansinin yung sinabi niya.

Nakaupo lang si Jake at parang walang pakealam. Same old Jake, walang emosyon sa mukha nya. Parang walang nangyayari. “Tumahimik ka na nga Bryan, hindi ako papatol sa mga kalokohan mo.”

“Scared, eh?”

“I’M NOT!” naiinis na talaga ako dito. Parehas pala kami ng nararamdaman.. madalas na naiinis sa isa’t isa. NAIINIS TALAGA AKO NGAYON SA KANYA!

“E bakit ayaw mo pumayag?”

“Pwede ba?! Tigilan mo na ‘tong kabaliwan mo Bryan. I can give you the position just shut up, will you!?”

“Aminin mo na kasing takot ka lang.” peste Bryan Harris talaga! Inuubos mo ang pasensya ko! You really know how to push my buttons!

“FINE! FINE! IF THAT’S WHAT YOU WANT!” he smirked. Okay, you win! =_=

“SIR! SI MELALAINE LIM PO NASA CR WALANG MALAY!!!!” lahat kami ay napalingon sa babaeng nanginginig sa takot at nasa may pintuan. Anong nangyari kay Laine?

Nag-unahan sa pagtakbo ang buong klase papuntang girl’s comfort room. Nang matauhan ako ay tatakbo na din dapat ako pero hinawakan ng magaling na lalaking ‘to ang braso ko. “WHAT BRYAN!?”

“Don’t go. Wag mo nalang siyang pansinin. I bet she’s just trying to get some attention.” Bored na sabi niya. Alam kong masama ang ugali ni Laine pero.. hindi ko pa din maiwasan na magalala. Paano kung totoo? Paano kung may mangyaring masama sa kanya?

“Wag ka ngang masyadong insensitive Bryan! Go and get Laine!”

Umupo lang ito at nagsimulang kalikutin ang phone nya. “Why would I do that? Marami na syang atraso satin Steff. Pwede bang wag na natin syang bigyan ng pansin this time ‘cause everytime we do, napapahamak ka lang. Nasasaktan lang kita.. kaya pwede ba wag nalang natin sya pansinin? Let’s just talk about us.”

Parang may kung ano naman ang humaplos sa puso ko. Naiintindihan ko ang pinupunto nya, at nasisiyahan akong iniiwasan nya ng saktan ako.. pero Laine was my bestfriend. WAS.. Kung masama siya, ako hindi. Kung kinalimutan nya lahat, ako hindi ko kaya. “Bryan, help Laine.”

Halos mapasabunot sya sa buhok niya. “Why don’t you get my point?!”

“P-Please.. Please for me.”

Tinignan nya ako at inabot ang kamay ko. Umiinit na naman ang pisngi ko. Ang lambot ng kamay nya. He kissed the back of my hand.. “I don’t want to hurt you again.” Nakapikit sya at halos mapasinghap ako.

Gusto kong matawa saming dalawa. Kanina lang ay nagaaway kammi, nagsisigawan.. tapos ngayon naman.. Hayy Bryan. Nababaliw na ako sayo. “Hindi ako masasaktan Bry. Just help her for now, mainit pa tayo sa mata ng mga tao. Let’s take everything slowly.. Bry, ayoko ng atensyon, ng tsismis at mga issues. Please let me out of the limelight.. I want us out of the limelight.”

I want him to know the truth. Ayoko ng pinaguusapan, ayoko ng iniintriga. Kung darating kami sa punto na magiging kami, ayoko ng pinagkakaguluhan. Ayoko ng kaunting galaw namin ay pagppyestahan na nga mga tao. “You want me to quit showbiz?”

“NO! NO! T-That.. That’s not what I mean..” hindi ko kayang kunin sa kanya ang passion nya.

“Then what? I will do everything just to be with you.”

“Let’s talk about us some other time. For now, let’s help Laine first. Marami na akong bashers, wag mo ng dagdagan lalo na kapag nalaman nilang wala ka man lang pakealam kay Laine. Come on..” yaya ko sa kanya. Nagpahila pa nga. =_=

“Tss.”

“Bilisan mo naman. Wag ka ng magpahila, ang bigat bigat mo eh!”

“Basta pumapayag ka na sa deal natin ha?” Tss. Akala ko naman kinalimutan nya na yun.

“Ano bang mapapala ko dun? Mahirap maging slave mo for one week ha! Bakit ba kailangan mo pa nun e may butler at P.A ka na?!”

“Kapag natalo mo ako… I’ll be your slave.. FOREVER.” Hmm. Hindi na rin masama. Magagamit ko sya tuwing magsshopping ako, pagbubuhatin ko sya at papagurin. MWAHAHAHAHAHA!

Ngumisi ako. “Deal.”

Be MineWhere stories live. Discover now