Chapter 50 : The Last Verdict

5.1K 93 7
                                    

Sheiia

I stiffened the moment Heather entered my office. I was indeed surprised, not of her presence but of what she said.

What the hell just happened?

"Cat got your tongue, Miss Riego?"

She's smirking at me and I don't know how to respond at her words. Few seconds passed before I got my composure back.

"What did you say?"

Hindi na nito inantay pang alukin ko siyang umupo. She sat down the chair in front of my table without asking for my permission or what.

"Think you could fool me? May sakit lang ako. Pero hindi ako tanga, Sheiia. I know my girlfriend's having an affair with you. No need to deny because I have proof."

At agad nitong inilabas mula sa bag ang isang brown envelope. Kumuha ito ng isang litrato sa loob ng envelope at inihagis sa mukha ko. Pinulot ko ang picture at pinagmasdan. That was me and Ash, holding each other's hands as we enter her resthouse at Tagaytay.

So wala na talaga akong lusot pa.

"After what you did, may gana ka pa talagang guluhin ulit si Ash. Ang galing mo nga e. Kasi nauto mo na naman si Ashley. Tell me, paano mo nagawa iyon?"

Sarcasm and insult can be sensed on Heather's voice.

"She loves me, Heather."

"Fuck that love, Sheiia. How sure are you na mahal ka nga talaga ni Ash?"

Alam kong nagpipigil na lamang si Heather. Kitang-kita ko ang higpit ng hawak niya sa bag na dala.

"Ramdam ko na mahal niya ako, Heather. I'm sorry. I'm sorry. Believe me, pinigilan ko. Sinubukan kong iwasan si Ash-"

"But that wasn't enough! Kulang pa Sheiia! Kasi sa totoo lang, ang kapal ng mukha mo na bumalik at agawin siya sa akin. Tahimik na kami yun nga lang nanggulo ka pa! Malandi ka kasi! Hindi ka ba tinuruan ng Nanay mo ng mabuting asal?! "

Dun na tuluyang naputol ang pagpapasensya ko sa babaeng kaharap. Oo nga at mali ang ginawa ko sa kanya pero wala siyang karapatang pagsalitaan ako ng ganito at idamay pa si Mama kasi wala siyang alam sa nangyari sa amin. Wala siyang alam sa nakaraan ko.

Malakas na singhap ang lumabas sa bibig nito nang tumama ang aking palad sa kanyang magandang mukha.

"Sheiia!"

Sabay pa kaming napalingon sa taong kapapasok lamang ng office. Madilim ang mukha ni Ash at alam kong nakita niya ang pagsampal ko kay Heather.

"Why did you slap her, Sheiia?! Have you lost your mind?"

Nanginginig ako sa galit kasi nasaktan ako nang idamay ni Heather sa usapan ang walang malay kong ina. Pero mas nasaktan ako sa narinig ko mula kay Ash.

Mas lalong kumuyampit dito si Heather na akala mong kaawa-awa talaga.

"She hurt me, baby! I was just telling her to postpone the interview and pictorial because I'll undergo an operation but she got mad!"

Mas lalong napalakas ang iyak ni Heather sa balikat ni Ash. Hindi ko alam kung paanong napunta si Ash dito sa opisina ko pero hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon.

Seeing the hesitation in her eyes means she believed that I could do things such as what Heather is telling her.

"Sheiia..."

Kita ko naman na nahihirapan siya sa sitwasyon at walang siyang ibang masabi kundi ang pangalan ko.

Sheiia and not Lerise.

I Love You, Prof.Where stories live. Discover now