Chapter 49 : Revelation

5K 90 18
                                    

Sheiia

Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin ako sa pinag-usapan namin ni Ash noong isang gabi. 

Paano, hindi daw niya puwedeng hiwalayan si Heather. Hindi pa. Although, she explained to me the reason why and I fully understand her point naman, di ko lang kasi maiwasan na madisappoint at magselos sa isiping si Heather at Ash pa rin technically.

Hindi ko nga alam kung anong status namin ni Ash. All I know is we love each other.

"Sheiia!"

Mabilis akong lumingon sa taong tumawag sa akin. A wide smile was plastered on Nataniel's face. Nginitian ko naman siya bilang tugon.

We're at their house on Quezon City since Vera decided to have a simple dinner for her birthday. Kuya Gid won't be around since nasa Paris siya with Ate Keirah kaya bukas nalang daw sila magdedate.

Yung lakad naman ng gang ay sa makalawa since may schedule kasi sina Ralf at Vincent ngayong gabi kaya niresched nalang namin ang outing. Of course, andito rin si Max ngayong gabi. Nasa kusina silang dalawa ni Vera.

Mabilis akong nilapitan ni Nataniel at niyakap. After namin magkaayos sa San Francisco, we became friends. Nataniel admitted na na-challenge lang daw talaga siya sa akin and he's always fond of competing with Ash kaya naman ganun daw ang ginawa niya nang malaman niyang girlfriend ako ni Ash.

"Whoa! You're so beautiful, Sheiia. Ano, payag ka na ba na ligawan kita ulit?"

Tinampal ko naman siya sa braso sa birong iyon. The last time I checked, may girlfriend na Italyana si Nate.

Sabay pa kaming nagtawanan nang makasalubong ng aking mata ang isang pares ng matang tila papatayin sa tingin ang taong katabi ko.

Ash..

Nawala din ang ngiti ni Nataniel at napatingin sa aming dalawa ni Ash. Mas lalo akong nawalan ng gana nang makita ang babaeng nakakapit sa braso ni Ash.

"Oh, hey Ash! Fancy seeing you here! Oh, hi Heather!"

Parang tangang nagpapapansin si Nataniel. Siguro naramdaman din niya ang tensyon sa aming tatlo.

"Oh, hi Nate! Hi Sheiia! Andito ka rin pala!"

Heather answered samantalang tahimik lang si Ash.

Damn, syempre  birthday ito ni Vera at bestfriend niya ako bago ka pa dumating sa buhay ni Ash!

Para tuloy gusto kong sabihin yun sa babaeng nakangiti sa aking harapan. I never knew na pupunta si Ash kasi wala naman siyang sinabi sa akin. Worst is, hindi ko alam na isasama pala niya ang girlfriend niya sa pagpunta niya.

"Oh. Hey Ash! Heather!"

Si Max iyon, kagagaling lang sa kusina kasi tumulong daw silang dalawa ni Vera sa preparation. Nang maramdaman nito ang tensyon sa pagitan naming tatlo, agad itong lumapit at ikinawit ang braso sa aking bewang.

"Hey. Kanina pa kita hinahanap, Lerise."

Napakunot naman ang noo ni Ash sa sinabi ni Max at sa kamay netong nasa bewang ko. God, hindi ko alam kung anong ginagawa ni Max na parang sinasadya niyang inisin si Ash.

Yeah. Alam kasi ni Max ang tungkol sa amin ni Ash. Noong una ay tutol na tutol ito kasi unfair daw iyon sa aming dalawa ni Heather. Nagalit pa nga ito kay Ash kasi nakakagago da yung ginagawa nito. Pero of course sa akin niya lang sinabi iyon. Hindi ko pa nasasabi kay Ash na naging close kami ni Max noong nasa San Francisco pa ako.

I Love You, Prof.Where stories live. Discover now