Chapter Eight : Notebook

6.3K 151 2
                                    

Sheiia

'So you like to kiss girls, eh?'

Kanina pa iyon paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko, including that playful smile on her lips. Damn you, Prof. Melendrez for giving me this perplexity. I wish I could make you pay for this.

"Tara na, Sheiia. One last subject at lunch na.  Gutom na nga ako. If only Prof. Ash can feel my hunger." Tumawa pa ito ng payak.

Prof. Ash? Really?

That sting on my chest again. "Vera, andito na ba agad si Prof. Melendrez since your first year?"

Di ko tuloy mapigilang itanong. Para kasing iba ang dating sa tuwing binabanggit ni Vera ang pangalan ni Prof. There's something odd in the way she says her name.

"Yeah. Wala pa ako nun dito, andito na siya agad. Fresh grad right after LET exam result, ni-hire agad siya dito. She only got units in education, though. Ang alam ko is Business Ad talaga ang tinapos niya."

So that's explains why she is so familiar with the subjects she's handling. Kung susumahin ko, ilang taon pala talaga ang tanda ni Prof. sa akin.

"Does that mean na ilang taon na pala talaga ang tanda niya sa atin?" Okay. I know I sound so curious but I don't give a damn. Masyado na akong praning na pati ang pagtatanong ay binibigyan ko ng meaning at restriction.

At least, wala namang masama sa nagtatanong.

"She's turning 26 in three months time."

I looked at Vera closely. She seems so sure about everything she knows about Prof.

Yeah, just like how she calls her Prof. Ash, right?

I shrugged off the idea of me getting jealous. Yeah, hindi rin naman ako ipokrita. Sinasabi ko na di ko crush si Prof, pero nagseselos ako sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Mas lalo lang siguro akong kagagalitan ni Dad pag malaman tong mga pinaggagagawa ko.

"Do you know anything about her ex?" Naisip ko lang dapat iyon pero kusa nang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. Bigla tuloy ako namula sa nasabi ko. Baka mahalata ni Vera kung ano talaga ang meron ako sa Prof namin.

Or baka natatakot ka na may something sila ni Vera at baka magselos yang friend mo.

Shock is written all over Vera's face. Hindi ko alam kung nagulat siya dahil nagtanong ako ng ganung bagay or dahil sa may alam ako.

"How did you know about it?" There is something in her voice, more on like amusement and amazement. Nakalabas na kami ng room and we're now heading to our next class under Prof. Melendrez. Nasa dulo pa kasi iyon ng building.

"Nabanggit niya kasi kanina." Short but safe answer. Sana hindi na magtanong pa si Vera regarding dun, or kalimutan nalang niya ang tinanong ko. But well, Vera is always Vera.

"You're together??!!" Niyugyog pa niya ang balikat ko. Mukhang tuwang tuwa ito sa nalaman. Like, it's no big deal naman kung magkasama kami kanina diba?

No big deal ba talaga?

"H-hun? Uh, yeah. Maaga kasi ako kanina tapos vacant time kaya nagstay muna ako sa library. Tapos ayun, nakishare siya sa table. Usap lang ng konti." Dahan dahan pa talaga ang sagot ko. Baka naman kasi mamis-interpret ni Vera ang nangyari.

An O suddenly formed in her lips. "So, she's finally making a move, huh?"

Sakto namang may dumaan samin na nagsisitakbuhan kaya hindi ko halos narinig ang sagot ni Vera.

I Love You, Prof.Where stories live. Discover now