Chapter Twelve : Indecisive

5.8K 132 1
                                    

Sheiia

I'm not sure if I was able to get at least three hours of sleep. All I know is I stayed in the kitchen for an hour after Prof left, weeping alone in the kitchen floor.

I don't even understand myself why am I crying in the first place. Everything happened so fast, it feels like a blur.

It's six in the morning and everybody's in the kitchen having breakfast. Bakante ang kabisera ng mesa, meaning wala si Prof to join us. Wala din sina Rox at Pat.

She's really serious in avoiding me.

Tama nga naman kasi si Prof. Walang mangyayari sa amin kasi mismong ako hindi sigurado kung anong nararamdaman ko sa kanya. It's possible that I'm just attracted to her since she's really worth being attracted to. Having her looks and her great personality. Pwedeng naexcite lang ako sa idea na kakaiba siya sa mga Prof ko. Anything can be a reason.

But do I need to be hurt like this?

I don't know. Damn, I don't really know.

"Rox ano ba? You thought I won't notice what you're doing? You've been avoiding me as if I have a plague."

Napalingon kami sa papasok na sina Roxanne at Patrice. Mukhang nagtatalo ang dalawa.

Napatingin naman si Roxanne sa amin. "Pat ano ba? It's not what you think. Nakakahiya kina Vera."

Saglit na tumingin sa amin si Patrice. Kami namang lahat ay tahimik lang.

"Then talk to me!"

Umiling iling lang si Roxanne saka lumabas ng kusina. Sumunod naman dito si Patrice.

Napailing din sina Matthew at Gerald sa eksena ng dalawa.

"Really guys, kung hindi magbestfriend yang dalawa mapagkakamalan ko yang magjowa e." Wala sa sariling nasabi ni Gerald. Nagkatinginan naman kami ni Vera.

"Yaan na natin sila. They're old enough to settle their own issues." Sabi naman ni Matthew.

Yeah, old enough to settle issues. But why does it feel like I'm still young to handle my own emotion?

"By the way, where's Prof. Vera? Hindi ko yata siya nakita simula pa kaninang umaga." Tanong naman ni Brix.

Tumingin muna sakin si Vera bago sumagot. "She has an appointment daw e. Dun sa isa niyang restaurant."

Napalatak naman si Gerald sa narinig. "Bilib naman talaga ako kay Prof. She's able to manage her business kahit na nagtuturo din siya. Ang swerte naman ng magiging girlfriend niya."

Napatigil naman ako sa pagsubo ng kinakain ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko.

"Is it allowed? Na magka girlfriend siya since she's a teacher?" Tanong naman ni Matthew.

Uminom muna ng juice si Gerald bago sumagot. "If you'll ask me guys, I see nothing wrong about it. Professional naman si Prof, I'm sure hindi naman siya tulad nung iba na hindi kayang ihiwalay ang professional sa personal life. Saka isa pa, everybody's doing it. It's just a matter of acceptance."

Acceptance. Big word.

"Let's finish our food na so we'll be able to start making proposals."

Dali-dali naming tinapos ang aming gawain upon hearing Vera. Hindi na rin ako nagcomment pa sa pinag-usapan nila.

Nang matapos kami sa gawain namin, nagligpit na kami ng mga gamit. Natapos ang ginagawa namin na may gap sa pagitan nina Roxanne at Patrice.

I Love You, Prof.Where stories live. Discover now