Chapter Three : Tension

9.2K 202 0
                                    

Sheiia

Do not give up
If you have not yet started
Do not say you can't
If you have not yet tried
Do not say it's over
If you only just begun
Cry, if that's the only way for you to smile.

"Miss Ricafort?"

Napatigil ako sa pagsusulat at napaangat ng tingin. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin, pati na ang Professor ko sa Business Planning. Parang kanina pa yata ako tinatawag ng nakakunot noo na si Professor Ramirez. She looks like as if she wants to eat me whole.

"If you don't want to listen, you're free to go out." Malakas ang boses na sabi nito. Sa sobrang hiya ko ay napayuko nalang ako ng ulo. Damn, this isn't the first time that I was being scolded by my teachers because I spaced out in the class and I was too much engrossed to what I'm doing.

"I'm sorry, Prof." Kasalanan ko naman kasi. Nakalimutan kong nasa klase ako nang makita ko sa likod ng notebook ko yung tulang hindi ko pa natatapos. Istrikto pa naman si Prof. Ramirez. So much for my second day in school, I made too much for an impression.

Lumabas na ako ng room after class. May klase pa ako at nasa bandang unahan pa yung room namin for next class. Nasa may likurang building kasi yung room ni Prof. Ramirez. Yung mga classmates ko naman ay paiba-iba since we're not in a block section.

"Sheiia, hintay!" Napatigil ako sa paglalakad. Nalingunan ko si Vera na humahabol sa akin. Siya pala yung kapareho ko ng course kaya classmate ko siya sa lahat ng subjects.

"Thanks naman at naabutan kita. Ang bilis mo kasing maglakad. Sabay tayo ha?" Nakangiti pa ito nang hawakan ako sa kamay kaya hindi na ako umimik pa hanggang sa makarating kami sa room. Umupo ito sa upuang katabi ng upuan ko, which I don't care at all.

"Tabi tayo ha?" Nakangiti pa ito kaya tumango nalang ako. Afterall, hindi ko naman pwedeng piliin kung sinuman ang pwedeng makatabi ko sa upuan and I hate long conversations. I was never a conversationalist at all.

"Sheiia, you seem so aloof. Parati ka nalang tahimik at hindi ka halos nakikipag-usap sa ibang classmates natin." Napalingon ako sa sinabi niyang iyon. Bago paman ako makasagot ay dumating na si Prof. Sanchez, ang Professor namin for Philippine History and Public Service. After one and half hour ay natapos din ang klase. Lutang tuloy ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Vera. Actually, hindi naman talaga ako aloof. May nangyari lang na naging dahilan para magbago ang pakikitungo ko sa mga tao.

"Sabay tayo maglunch, ha Sheiia?" Napapitlag at napabaling ako ng tingin kay Vera. Eto na naman ang kakulitan. Mukha siyang suplada kung pagbabasehan mo ang physical appearance niya pero saksakan pala ng kulit.

"H-ha? Eh kasi, susunduin ako ngayon e. Sa bahay kasi ako kakain." Honestly, hindi naman sa ayaw ko kay Vera. In fact, she's nice to be with. Kaya lang, I'm not yet ready to be friends with anyone. At least, not now.

"Eh diba mayang 12 pa out natin? Then our next class will be 1 pm. Mabibitin yung lunch break mo kung uuwi ka pa."

"Okay lang yun. Matagal naman yung one hour e."

We're on our way to our next class which will be under Prof. Melendrez. Most of our subjects are all handled by Prof. Melendrez. Damn! Remembering her face especially her eyes, sent shivers down my spine. I can't figure out why I feel like this every time she's near me. This is so unpredictable and unfamiliar.

"Basta, sabay tayo mamaya. No buts." Vera gave me those famous puppy eyes and I can do nothing but to sigh in defeat.

"Fine." Iyon lang at niyakap niya ako na para bang nanalo siya ng milyones sa lotto. Ganun ba kahalaga yung pagpayag ko na sumama sa kanya for lunch? Mukha naman siyang madaming friends since she's so friendly.

"Yes!" Kulang na lang ay tumalon ito to express how happy she is. Just this once and I'll see what happens next. Natahimik na ako as we enter our room.

Here comes this uneasy feeling every time I'm near to Prof. Melendrez. I know that I maybe an introvert, but this is the very first time I felt this unfamiliar rage of emotions. Yung kinakabahan ako, naiilang na natatakot na hindi ko alam.

"Good morning class. I will be handling your Marketing Research..."

Saglit itong tumigil nang magtama ang aming mga mata. Few seconds passed but she remained still. There is something in her eyes that bothers me and I cannot give it a name. Is she feeling the same, too? Before my classmates could notice the sudden tension between us, she was able to recover herself. An hour was finished with her getting back her composure and me in my confused state. Damn, kung puro ganito wala akong matututunan sa klaseng ito.

"That's all class. See you next meeting. Dismiss."

Kanya-kanyang tayuan naman kami. Si Vera naman parang pusang hindi maihi sa sobrang excitement. Natext ko na din si Manong Louie na hindi ako uuwi for lunch at dito nalang ako kakain. Wala rin naman akong aabutang tao sa bahay except for our maids.

"Sa labas na tayo kumain, Sheiia." Nakakapit pa ito sa braso ko as if I'm going to run away. Bago kami tuluyang makalabas ng room, tinawag ito ni Prof. Melendrez.

"Vera!" Thug. Eto na naman. Yung kaba ko feeling ko ako yung tinawag. Sabay kaming lumingon ni Vera.

"Yes Prof?" There's a hint of amusement in Vera's voice. Feeling ko nga, more on nang-aasar pa ito e.

"I forgot to give you this." Lumapit ito at may inabot itong sobre kay Vera. Bahagya itong napatingin sa akin at mas lalo akong nailang dun. Tagusan kasi yung tingin ni Prof. Or baka ganun lang talaga siya at ako lang itong masyado maka-assume.

"You can give it to me later. But okay, kukunin ko na since inabot mo na e. We'll have our lunch na. Bye Prof!" Bahagya akong nagulat sa inaasal ni Vera towards her. Parang malapit sila sa isa't isa, or talagang friendly lang si Vera kaya ganun siya pati kay Prof. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kakaiba sa closeness nila.

Gusto ko sanang magtanong kung anong inabot niya kay Vera pero naunahan ako ng hiya. Hindi rin naman kasi ako dapat makialam kung anuman yung bagay na yun.

Tumingin ulit si Prof. sa akin bago tumango kay Vera. Nakakainis yung ganito. It feels like all my defenses are now getting weak. Sa tingin palang kasi niya, tunaw na lahat ng tapang ko. Bakit ba kasi ganito? Alam ko naman na hindi ko siya crush. What the heck, Professor ko siya dagdag pa na babae siya kaya hindi dapat ganito. As in hindi dapat!

"Okay. Enjoy your lunch, Lerise."

I don't know if it's just me and my imagination, pero may kalakip na lambing yung pakakabigkas ni Prof sa pangalan ko. Natameme tuloy ako. Our eyes remained intact for I don't know how long until Vera let out an exaggerated cough.

"We will, Prof. Bye!" For the first time, nagpasalamat ako na andyan si Vera. Habang tumatagal, pakiramdam ko lalo lang umiigting yung tensyon sa pagitan namin ng Prof kong babae pero gwapo. Damn. Nauna na akong tumalikod sa humahagikhik na si Vera.

Damn. This is not good.

I Love You, Prof.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon