16 • Representatives

Magsimula sa umpisa
                                    

"Itatanong ko lang sana kung anong kanta ang bagay sa boses ko." sabi nito.

"Bakit? Para saan?" tanong ko.

"Teacher niyo din sa Music si Ma'am Sherly diba?" tanong naman niya.

Tumango tango ako at parang naramdaman ko na kung saan papunta itong topic namin.

Don't tell me...

"Isa kasi ako sa ginawa niyang representative sa section namin para sa dadating na singing contest. Paglalabanin kami ni..." panimula nito pero biglang natigil siya nang makitang papalapit sila Macey at Darren sa amin.

"Yo!" bati ni Macey sa akin sabay apir.

"Anong ginagawa niyo dito? Date?" tanong ni Macey na may halong panunukso.

"Sige lang, Macey." inis kong turan.

Tumawa lang ito at umupo sa tabi ko.

"May napili ka na bang kanta para bukas?" tanong ni Macey sa akin.

"Kanta? Bakit?" tanong naman ni Dave.

"Oh, hindi pa niya nasasabi sa'yo?" tanong ni Macey kay Dave sabay tingin sa akin.

"Kaming dalawa ni Macey ang paglalabanin ni Ma'am Sherly bukas para sa contest." paliwanag ko.

Napatingin ako kay Darren na katabi naman ni Dave ngayon. Tila ba parabg nagulat din ito. Nasa harap ko si Dave, nasa harap naman ni Macey si Darren. Tapat tapat kami.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ni Darren kay Macey.

"Naunahan mo akong magkwento eh." natatawang sagot ni Macey.

"Magkaklase pala kayo?" tanong ko kay Dave.

"Yup, magkaklase kami ni Darren. At kaming dalawa ang paglalabanin ni Ma'am Sherly." sagot nito.

"It's either ako at si Abrianna, or si Darren at Macey ang dapat na magkapartner." dagdag pa ni Dave.

"Eh paano kung ang mapili ay si Darren at Abrianna?" nang-aasar naman na sabi ni Macey.

Ang labo din nito eh. Kanina inaasar ako kay Dave, ngayon naman kay Darren.

"Hindi pwede yun." sagot naman ni Dave.

"Diba, Darren?" dagdag pa nito sabay tingin kay Darren.

Seryoso lang itong tumango tango.

"Exciting naman pala itong contest." sabi ni Macey.

"So, paano ba 'yan? Good luck sa atin bro." sabi ni Dave kay Darren at nagsign ito na gusto nitong makipagfist bump.

Ngumisi si Darren at nakipagfist bump kay Dave. Wow, friends na sila?

"Galingan mo ha! Alam kong gagalingan din ni Darren eh." natatawang sabi sa akin ni Macey at nakipag-apir naman ito sa akin.

Ang weird ng mga 'to.

× × ×

"May napili ka nang kanta para bukas sa Music?" tanong sa akin ni Dhaylene.

Umiling iling lang ako at huminga nang malalim.

"Ayokong sumali doon. Si Macey na lang." sabi ko.

Mahina akong hinampas ni Mikee sa braso.

"Baliw! Ayaw na nga yung chance mo para maipakita mo yung talent mo. Hindi pwedeng habangbuhay na lang na pang-CR yang boses mo." seryosong sabi ni Mikee pero napatawa sila, pati na rin ako.

"Kaya mo 'yan! Gawin mo para kay Darren!" panunukso naman ni Kessel.

"Para sa sarili ko. Para sa inyo." pagtatama ko sa kaniyang tinuran.

"Okay... Sabi mo eh." sabi ni Kessel sabay nagtawanan sila.

× × ×

Hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung anong kanta ba ang pwede kong kantahin.

Hindi ko pa ito binabanggit kay Mama dahil baka umasa siyang mapipili ako. Sobrang laki pa naman ng tiwala nun sa akin.

At dahil hindi ako makatulog, naisipan kong magpatugtog ng radyo sa cellphone ko. Nakaheadset lang ako at nakahiga na.

Papikit na sana ako nang biglang marinig ang paborito kong High School Musical song...

We're soarin', flying
There's not a star in heaven
That we can't reach

Napaupo ako sa aking kama at napangiti at sinabayan ang kanta.

You know the world can see us
In a way that's different than who we are
Creating space between us
'Till we're separate hearts

At napatayo na ako nang biglang nasa chorus part na...

We're breakin' free
We're soarin'
Flyin'
There's not a star in heaven
That we can't reach
If we're trying
Yeah we're breaking free
Oh, we're breakin' free

Napatigil ako sa pag-indak nang marinig kong kumatok si Mama sa aking kwarto.

"Anak, gabi na. Bukas ka na mag-ingay." rinig kong sambit ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.

"Sorry, Mama. Good night!" sabi ko sabay tawa pero tinakpan ko ang aking bibig para hindi ito marinig.

Humiga na ako sa kama ko at ngumiti.

Alam ko na ang kakantahin ko bukas.

• • •

Wala na, adik na talaga si Author sa HSM. Hahahaha. Btw, salamat po sa mga patuloy na nagbabasa! 💚 (Paulit  ulit na lang. Haha) Kahit medyo boring naman 'tong story. 😂

TW/IG: @tsinigowden

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon