15 • Basketball

Start from the beginning
                                    

Darren's POV

"May ligawan na naman bang nangyayari?" natatawang tanong ni Kessel kay Abrianna.

Nakikinig lamang ako sa pinaguusapan nila habang nanonood ng laro nila Dave.

Minsan bago ito magshoot ay tumitingin muna ito kay Abrianna at panay kindat pa, ito namang si Abrianna, halatang kinikilig din. Tss.

"Baliw. Friends lang nga diba." sagot ni Anna.

"Kaya mo namang hintayin si Abrianna, diba Dave?" pasigaw na sabi ni Mikee.

Narinig ito ni Dave at tumingin ito kay Anna.

"Oo naman! Kahit ilang taon pa." pasigaw din na sagot ni Dave.

Ang corny, pwe.

Nagtilian naman ang mga kaibigan nito, kasama na rin si Macey. Si Abrianna naman, pangiti ngiti lang na parang ewan.

"Ang ingay niyo." pagpuna ko sa kanila.

"Ang KJ mo." sagot naman ni Macey.

"Nagseselos ka ba?" natatawang tanong ni Dhaylene.

Napakunot naman ang noo ko.

"Kanino naman?" tanong ko.

"Ewan ko sa'yo Darren Espanto. Sobrang slow." pang-aasar pa ni Macey.

"Ewan ko din sa in---- ARAY!" sigaw ko nang may biglang bolang tumama sa ulo ko.

"Ay sorry bro." sambit ni Dave habang papalapit sa pwesto namin para kunin ang bolang sa tingin ko ay sinasadya niyang ibato.

Hindi na lang ako sumagot bagkus ay tinignan ko na lang ito ng masama.

Nakaisip ako ng pwedeng gawin para makaganti dito na nakapagpangisi sa akin.

"Ayos lang, sanay na akong matamaan ng bola. Kasi mahilig din akong magbasketball." sagot ko dito sabay tayo.

"Pwede bang makipaglaro sa inyo?" tanong ko dito habang nakangisi.

"Sure..." nakangiting sagot ni Dave.

Okay, simulan natin ang laban.

× × ×

Abrianna's POV

Nagsimulang maglaro sila Dave at Darren.

Pansin ko dito ay parang silang dalawa lang ang naglalaban at ang iba nilang mga kasama ay parang extra lang na sunod nang sunod sa kanila.

"Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o akoooo." napalingon ako kay Mikee nang kumanta ito at tinignan ko ito nang masama.

Gets ko kung anong gusto niyang ipaliwanag pero hindi ko alam kung sino ba sa kanila yung mahal ko at kung sino ang mahal ako.

Jusmiyo Abrianna Estrella, magtigil ka diyan. Aral muna bago landi.

"Ay shocks! Hawak na ni Darren yung bola tapos nakuha pa ni Dave!" halos pasigaw na sabi ni Kessel habang nanonood ng laro nila Dave at Darren.

EscapeWhere stories live. Discover now