MUCC27: Triggers

1K 24 0
                                    

Wendy's Pov

"Binibini, alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo? Naramdaman lang bigla ng puso... Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito... Kaya sabihin mo sa akin,"

My lips parted when I started hearing everyone cheering for them as they play. Hindi rin maalis ang mata ko kay Josh na ngayon ay nakahawak sa mic habang pikit matang hinaharana ang madla.

"Ang tumatakbo sa isip mo, kung mahal mo na rin ba ako... Isayaw mo ako... Sa gitna ng ulan, mahal ko.... Kapalit man nito'y buhay ko, gagawin ang lahat para sa 'yo... Alam kong mahal mo na rin ako,"

I saw how the tension became stronger as he serenade the crowd with his voice, kahit na sina Dayle ay pumapalakpak din dahil sa banda nila ni Joshua. I looked at Rad at saw that he just averted his gaze from me. Napalunok naman ako dahil sa ginawa nito ngunit gano'n na lang din ang pag-iwas ko nang umingay ang tao sa gym.

"Isayaw mo ako... Sa gitna ng ulan, mahal ko, kapalit man nito'y buhay ko... Gagawin ang lahat para sa 'yo, alam kong mahal mo na rin ako."

I didn't notice that they were already half of the song. Honestly, they are good. I can clearly say that it runs on their blood, talagang pinagpala rin ang isang 'to ang maganda ang kanyang boses.

"Thank you so much for the wonderful performance Triggers! Grabe!"

I blinked when I heard my band mates on the side calling for my attention, napatango naman ako bago lumapit sa kanila at nakinig sa sinabi.

"How many bands left to perform?" Si Kyline.

"Di ko alam... siguro more or less tatlo? Rinig ko kasi may gusto pang humabol na magperform," Dayle replied.

Napataas naman ang kilay ko dahil sa narinig. Humalukipkip din ako pagkatapos nang marinig ang palakpakan ng mga tao sa harap.

"Galing din nila ni Josh, no?" rinig ko pang bulong ni Dayle, I didn't know who he is talking with but I agree. Hindi rin malabo na magpinsan nga sila, both of them are talented. 

After a while, napasinghap ako nang makita ang huling banda na nag perform sa stage, we were just patiently waiting on the side for the announcement. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako... a lot of performers are good, I know that we did good as well, but of course hindi pa rin mawala sa akin 'yung takot at kaba na baka hindi kami mapili. Even when I'm just new to this kind of stuff, the eagerness to win pushes me to the limit. Lalo na at naging masaya ang buong experience ko na kasama ang banda. Sila Dayle... lalo na si Rad. So here am I wanting for more moments... with him. Kahit dito na lang.

"To all the bands who audition today... thank you so much for the participation." I stopped when I heard the emcee in front. "Let's wait for the further announcement about the winner! Result will be out next week, so good luck everyone!"

Napanguso ako, I thought ngayon malalaman. Mukhang maeextend ang kaba ko nito. 

"Wendy!

On our way out, natigilan ako nang makita ang malaking ngiti ni Amara na sumalong sa akin. From her side is Arkie who's still holding the banner. 

"Girl, ang galing mo! Isang pakulot pa nga," she teased. Siniko ko siya dahilan para matawa ang kaibigan.

"Paano ba 'yan, we'll still wait for the result... but congrats to us, mapili man o hindi we still did our part and we tried," si Dayle.

"Ano ka ba? Mapipili tayo... let's just manifest that," ani pa ni Cyver.

"Yeah... but for now, let's take a break. Eat lunch and then rest, we still have a long time to regain ourselves after weeks of practice... so thank you everyone," si Rad. Dumaan ang tingin niya sa akin, I only nodded my head and thank them as well. 

Hindi ko na alam ang sasabihin kaya niyaya ko na sila Amara na umalis. But before we even pass the exit. Natigilan ako nang makita namin si Josh, he was laughing with his band mates.

"Hoy Miro, ang kapal nang mukha mo kanina, congrats!" mapang-asar na sambit ni Arkie dahilan para mapatingin sila sa amin.

"Gago, salamat! Kakapalan ko pa lalo next time," tugon naman ni Miro.

They were tossing words to each other when I suddenly felt Joshua's eyes towards me. Naramdaman ko rin ang siko ni Amara sa akin dahilan para mapukaw ang atensyon ko.

"Ano feeling nang matitigan ng isang Joshua sis?" aniya pa. I rolled my eyes at her.

"H'wag kang ma-issue, we're friends... don't ruin that image of us," I said.

"I doubt... mukhang gusto ka eh," she wiggled her eyebrows. 

"Paano mo na sabi? Sinabi niya sa 'yo?"

"Hindi pa naman... but my intuition says it all," she smirked.

I didn't say anything but rather told them that we should go already. Wala rin naman silang sinabi at nagpaalam na sa kanila Miro. We were about to pass them when suddenly Joshua called my name.

"Wendy..."

I stopped, looking back at him. I saw his slight smile on the lips before talking again.

"Congrats to your band..." he said.

Napangiti na rin ako sa kanyang sinabi kaya nagsalita rin ako pabalik.

"Congrats din sa inyo... Joshua." I replied before our eyes turned away from each other. 


My Ultimate Campus Crush(REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon