MUCC7: Vision

1.4K 46 6
                                    

Wendy's Pov

Naging mabilis lang ang mga araw. Parang kailan lang nung magsimula ang pasukan at ngayon ay halos mag-iisang linggo na kami.

"Alis na po ako," I said kissing my Mom's cheek before leaving.

"Alright. Be careful," she said waving at me.

Tumango lang ako bago nagsimulang pumasok sa sasakyan. Hindi ko ngayon sabay na papasok si Arkie at Amara dahil may kanya-kanya din naman silang service.

Si Amara sabi ay ihahatid daw siya ng Mom niya habang si Arkie ay grounded naman at pinagbawalan siyang magmaneho ng mag-isa.

Paano ba naman kasi. Muntik na siyang mabundol nung pauwi siya ng kanilang bahay. He thought that he'll escape the mess he made. Pero sa kasamaang palad ay nakita siya ng kuya niya.

He was told that he'll be grounded since it was a dangerous offense. Sinabi na hindi na muna siya magmamaneho at 'yung driver na lang nila ang maghahatid sundo sa kanya muna sa school.

Maypagka praning din kasi magulang ni Arkie kaya hindi ko din naman sila masisisi kung bakit sila ganun umasta. Kaya sa huli wala din siyang kawalan kundi ang magpa-ubaya.

After I drop by our school. Umalis din naman agad si kuya Roi at muling babalikan mamaya kapag uwian na. I held the strap of my bag before I started walking.

It didn't took long enough at agad din naman akong nakarating sa building namin. We still have a few minutes left before our class started.

Pagkadating ko ng classroom ay agad na bumungad ang malaking ngiti ni Amara sa akin. I took a glimpse on the chair behind me and saw that he's still not here.

Pero si Cyver ay naka-upo na sa kanyang upuan habang humalukipkip na pinagmasdan ang tanawin sa labas. He's wearing an airpods kaya hindi niya kami naririnig.

Umiling nalang ako pagkatapos at tinaasan na lamang ng kilay ang kaibigan. Nakangisi din siya sa akin na parang tanga.

"Tanginang mukha 'yan," I hissed before shaking my head.

"Gaga nakapag aral ka?" she asked.

"Aral ng ano?" Kunot noo kong tanong.

Pilit na inaalala kung may nakaligtaan ba akong assignment o ano pero mukhang wala naman.

"Same sis. Sabi kasi ng kabilang section may quiz mamaya si Sir Franco. Enumeration daw lahat. " aniya.

"Seryoso?" I said before I tried reaching for my notes.

Hindi ko din naman maalala kung nagsabi ba si Sir na may quiz kami sa susunod na meeting. Eh putak ng putak lang naman 'yun about sa lesson namin sa science.

"Oo. Bilisan mo mag aral ha. Ako dito na part tapos ikaw naman dito," aniya pa bago tinuro ang first part ng lesson tapos sa kabila.

I nodded at her before we began to study for the rest of our remaining time. Si Arkie wala pa din at mukhang late ulit dahil sa kakapuyat.

After a few minutes. Dumating din ang subject teacher namin. Kasabay nun ay ang pagpasok ni Rad at ni Dayle. Sumunod din ang bulto ni Arkie na hinihingal pang pumasok ng classroom.

I was about to ask him kung bakit ngayon lang siya dumating pero inunahan na ako ng teacher namin. She started our lesson without further ado kaya hindi na ako nakapagsalita pang muli.

I was paying attention to our class while taking down the important details. Hanggang sa dumating ang sunod naming klase ay halos nabuhayan ng diwa ang mga kaklase kong lalake ng pumasok ang English teacher namin. Si Ma'am Irene.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Where stories live. Discover now