MUCC21: Small World

1K 42 0
                                    

Wendy's Pov

I wiped the sweat from my forehead, ngayon ay halos humihingal na sumasayaw sa gitna ng field. We are practicing our cheer dance again. I tied my hair on a bun para hindi sumagabal.

"Now pivot!" Si Mace.

Just like what she said, agad namin itong sinunod habang tumutugtog ang music. It's also been an hour since we started, hindi maitatanggi na halos patapos na kami sa sayaw kahit na nung isang araw pa lang naibigay ni sir ito sa amin.

I can see from the other section na halos hindi pa sila nakakagawa ng steps or kahit ng formation. Ang iba ay halos magtalo pa dahil hindi lang man umuusad ang sa kanila. We were quite thankful that Mace was our leader, kahit papaano ay naituturo niya sa amin ang mga nalalaman niya sa pagsali mula sa cheer dance.

"Okay, water break muna kayo!" She announced.

"Hay, nakakapagod," rinig kong sambit ni Amara nang umupo ito sa tabi ko.

Ngayon ay nasa bleachers kami at umiinom ng tubig. I took my towel and put it on my back, medyo nahirapan pa ako na gawin ito pero buti na lang at nagawa ko rin.

We looked at Arkie na ngayon ay hinihingal na umupo rin sa kaliwa ko. He was sweating pero ang amoy niya ang fresh pa rin. Edi siya na.

From the other side, nakita ko sina Rad na umupo sa mataas na parte ng bleachers, kasama ang mga kaibigan. Umiling na lang ako at binalik ang tingin sa harap.

"Hingi ako tubig," si Arkie.

"Bakit hindi ka nagdala?" My brows creased.

"Nakalimutan ko" simple niyang sagot habang ngumunguso sa akin na akala mo naman cute.

"Konti lang!" I said.

Sanay kaming ganito. Kung bakit hindi ba naman nagdala ng sarili niyang inumin at nakalimutan pa. Alam kong kukulangin ito dahil ang lakas niyang uminom!

He took my tumbler beside me. He poured it on his mouth, sabi ko na nga ba. Pinagmagmasdan ko itong lumagok hanggang sa nangalahati ito at hindi pa rin tumitigil sa pag-inom.

"Hoy! Tama na 'yan,"

Agad nga itong tumigil kaya napangiwi ako ng makita ang laman.

"Hayop ka talaga." I said. He just gave me a peace sign and smiled.

"Damot. E re-refill ko naman 'yan!" aniya.

Umiling na lang ako at humarap sa field. Nakita ko na papunta na rin sina Miro sa pwesto namin, agad silang umakyat at umupo sa likuran kaya napailing naman kami ni Amara nung magsimula silang mag-usap. Agad umingay ang paligid.

"May pagkain kayo diyan?" Bungad agad ni Miro.

"Uy chips!" He saw the inside of my bag, aga namang kumunot ang noo ko dito. Akmang kukunin niyo ito nang pigilan siya ni Arkie.

"Bumili ka do'n," he said before closing my bag.

Napailing naman ako dito.

"Damot, konti lang naman." saad pa ni Miro.

"Hindi sa'yo 'yan,"

Napabaling naman ako kay Amara nang tapikin niya ako. I ignored the boys and just looked at Amara.

"What?"

Agad niyang pinakita sa akin ang hawak niyang phone. I look down on it.

"Bakit mo sini-stalk ang account ni Joshua?" I asked when I saw his Facebook account on the screen.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon