MUCC8: Practice

1.4K 44 0
                                    

Wendy's Pov

I groaned after hearing the several noises outside my room. Ayoko pang gumising but my senses came back after I realise na ngayon pala sila dadating dito.

"Hija 'yung mga kaklase mo nasa baba na," boses ni Manang 'yung narinig ko.

I immediately stood up from my bed upon hearing her statement. Kasi naman. Nakalimutan kong mag-alarm kagabe kaya hindi ako nakagising ng maaga.

"Thirty minutes po Manang! Paki sabi naghahanda pa ako," I said before rushing down inside my bathroom.

Hindi ko na din hinintay ang sagot nito at agad ng naligo. I even saw that it's quarter to nine.

Tangina. Nakakahiya.

Sariling bahay ko ako pa mismo 'yung nalate ng gising.

I just shrug the thoughts out of my head before doing all my things. I choose to wear my high waisted shorts since it was the first thing I saw in my closet. Sinuot ko lang din 'yung white graphic shirt ko bago tuluyang humarap sa salamin para suklayin ang buhok.

I put a little perfume on my wrist and neck before I finally decided to go down stairs.

Muntik pa akong matumba sa pagmamadali pero buti na lang nakasuporta ako sa hagdan.

Even from my way up here I can already hear them talking and laughing. Miro's voice will always dominate the others kaya halos mapailing ako dahil sa ingay niya.

"Buti pa sila ni Wendy may piano. Eh kami nga hanggang piano tiles lang,"

Agad akong natigilan ng bumungad ang mukha nila sa akin ng nakarating sa sala. They all looked at me with wonder.

"Ayan na pala siya. Akala ko hindi na siya dadating, late lang naman pala," si Arkie ng natatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam ko naman na hindi niya din seseryosohin 'yung parusa. Subukan niya. Talagang hindi lang suntok aabutin niya sa akin.

"Sorry na hindi ako nakapag-alarm," I explained before I took a step closer to them.

Present naman sila lahat kaya wala na ding problema. Buti na lang at nalinis ko na ang kwarto ko kagabi. I decided to just bring them there since I got a huge space for us to practice.

"Sus. Sabihin mo nagpuyat ka sa kakapanuod ng Netflix," si Amara.

I rolled my eyes on her. She's got a point pero kasalanan ko ba na nakalimutan kong mag set ng alarm?

O sige kasalanan ko nga. Pero hindi ko naman sinasadyang makatulog agad.

"Sana all may Netflix. Pwede paconnect?" Si Miro pa na mukhang gusto din na manuod.

"Mamaya kapag natapos na tayong mag practice," I said.

"Sabi mo 'yan ha?" He assured me. Tumango na lang din ako bago sinabi na pumunta sila ng kwarto.

I was about to tell Manang na kung pwede niya kaming lutuan mamaya para sa lunch. I was surprised that she was already doing her thing.

Napangiti naman ako kasi talagang hindi lang isang putahe ang niluto niya sa amin.

"Talagang hinanda to ng Mama mo kahapon pa lang. Inutusan pa akong mamalengke para maihanda ko kayo ng masarap na pagkain ngayon," she said while slicing the garlic from the chopping board.

"Yiee thank you po Manang," I said before hugging her from behind.

She just smiled at me as well bago ako tuluyang kumalas para daluhin ang mga kaklase.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Where stories live. Discover now