MUCC19: Eavesdrop

1.1K 34 2
                                    

Wendy's Pov

When the class started, I couldn't put all of my attention to our teacher in front. I was trying to focus but my mind keeps on reiterating to what just happened earlier.

I am a bit confused.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar sa akin ang presensya ni Josh. Maybe because we've met before here in our campus, but before that it was so familiar and I couldn't explain it why.

"Alam mo, ang bait pala ni Josh no? Napansin ko lang na ang dali niya lang din na pakisamahan." Si Amara. I looked at her, she even looked back at me as well na ngayon ay may panunukso nang dala sa akin. Ngayon ay nasa locker room na kami at naghahanda para sa Pe namin.

"Okay lang," simple kong sagot.

"Wow, okay lang? So nababaitan ka rin sa kanya?" aniya pa dahilan para mapakunot ang noo ko sa kanya.

"Bakit ba lagi ka nalang nanunukso? Mamaya baka ikaw may gusto sa kanya." I said, I had enough of her teasing. Loyal ako kay Rad, okay?

"Baka Dayle lang 'to. Nagbibigay lang naman ako ng option in case hindi ka panagutan ni Rad," aniya na nagpainis sa akin.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo, nakakahiya," sambit ko habang pinagmamasdan ang ibang kaklase naming mga babae. Buti na lang wala silang pakealam kaya safe naman pagnagkataon.

She just laughed at me before putting her rubber shoes. I was already done at hinihintay na lang siya na matapos. I pony tailed my hair para mamaya hindi mahirap sa akin na mag-perform. Nagdala rin ako ng extra towel at tubig para hindi kulangin mamaya.

As we went outside, agad na bumungad ang mukha ni Arkie na nakasandal sa pader habang naglalaro sa phone, he was already wearing his Pe attire pero mukhang agad naman kaming napansin nang lumabas.

He was already approaching us but mind suddenly shifted on Rad's appearance, he was talking to his friends as usual. But it never fails me though, kahit anong suotin niya ang hot niya talagang tignan. It suits his body well, mas lalo lang na nadepina ang kanyang braso at balikat. Parang kasalanan din na tumingin pababa, tangina. Ayokong mademonyo pero buti na lang at mahaba ang damit niya.

Kasi naman.

"Hala. Diba si Josh 'yun?"

Agad akong natigilan nang ituro ni Amara 'yung naka white shirt na lalake. He was wearing a different top pero suot niya ang Pe pants ng school. I was a bit surprised, 'yung kakalipat niya lang dito pero mukhang ang dami na niyang kaibigan. I can see it from a far, all of his guy classmates seems like they are having fun interacting with him. Tumatawa rin siya na dahilan para tumingin ang ibang babae sa kanya.

"Friendly nga, halos kaibigan na agad ang lahat." Bahagyang tumawa si Amara sa kanyang sinabi.

I just shrugged my shoulder before diverting my gaze in front. Mabait naman talaga si Josh, hindi na ako mabibigla kung pati mga teachers ka close na rin niya.

"Ayun ba 'yung lalake na sinasabi niyong gwapo?" Halos mapasinghap ako ng akbayan ako bigla ni Arkie.

From the other side ay ganun din ang ginawa niya kay Amara.

"Tangina, ang bigat ng kamay mo!" Pagrereklamo nito sa kanya.

"Grabe, hindi ko na nga binibigatan," ngumuso siya amin.

Agad naman niya na inalis ito, mukhang naawa sa amin. Buti nga. Napansin ko na agad niyang pinasadahan ang kanyang buhok, we started walking towards the field since nadoon na raw ang Pe teacher namin at naghihintay.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon