MUCC24: Heard

993 30 1
                                    

Wendy's Pov

"Let's do it one more time,"

I sighed before positioning myself beside Rad in front. Simula kanina ay hindi na kami tumigil sa kakapractice lalo na at maraming binago sa gagawin namin.

And I was being so obedient here, pero madalas din ang pag-iwas ng tingin kay Rad dahil hindi ko kayang magtagal ito. He would always remind me about the word 'connection' and I get his point. 'Yun naman talaga ang kailangan pero tuwing gagawin ko 'yun ay agad na nagwawala ang puso ko...I just can't.

"Sige na. Pahinga na muna kayo," aniya pagkatapos naming kantahin ang huling linya ng kanta.

I sat on the sofa and rested my back. Medyo nakaramdam ng pagkauhaw kaya agad kong nilibot ang paningin para sana magharap.

"Here,"

Akmang tatayo ulit ako nang makita si Rad na nilalahad sa aking bottled water na hindi pa nabubuksan. I sheepishly held it and took it out from his hand.

"Thanks,"

He just nodded his head and sat on the other side of the sofa...malayo sa akin.

Nakita ko naman kung paano nag-ingay sila Dayle sa isang dulo habang nag-uusap. I even saw that Kyline watching our way. Pero agad ding iniwas ang tingin at lumapit kay Rad nang may ngiti sa labi.

"Hey. Mom has been asking me about you. Gusto ka yatang makita ulit at niyaya ka na magdinner mamaya sa bahay, you should come."

Napayuko ako dahil sa narinig. I didn't know that they are that...close. Napabuntong hininga naman ako at agad na tumayo paalis doon.

"Uh, nasaan ang restroom dito?" Instead of asking Rad, si Dayle na lang ang nilapitan ko.

"Ah, meron sa baba! Tara sabay na tayo. Pipislit ulit ako ng cinnamon roll, masarap eh!" aniya dahilan para mapangisi ako.

At the end of it ay tumango na lang ako at sumama sa kanya. Naiwan naman si Cyver at sina Rad sa kanyang silid.

"Anong secret ng mom mo bakit ang sarap niyang mag-bake?" Si Dayle habang pababa na kami ng hagdan.

I kept on laughing dahil ang ingay niya talaga kasama. Kanina pa tanong ng tanong parang kausap ko na tuloy si Boy Abunda.

"Hindi ko rin alam. Mahilig lang kasi talaga siya magluto kahit noon pa man." sagot ko sa kanya. Ngayon ay pumasok na kami ng kanilang kusina kung saan nadoon ang kanilang cr.

"Basta 'yung sabi mo ah? Hindi ko 'yun kakalimutan!" Aniya pa at pinaalala sa akin 'yung tungkol sa cinnamon roll na dadalhin ko sa kanila sa susunod.

Tumawa na lang ako at tumango sa kanya. Dumeretso na rin ako sa loob ng cr at inayos ang sarili. I tried to forget what I heard a while ago.

Hindi naman dapat big deal 'yun kung talagang ganoon sila ka close na dalawa. Ano bang laban ko?

Kaya sa huli, I just shrugged my shoulder before going out after doing my thing.

Naabutan ko agad si Dayle na ngumunguya ng cinnamon roll dahilan para mapailing ako.

"Wait ubusin ko lang 'to!" Aniya pa.

"Cr din ako pagkatapos," dagdag niya pa sa sinabi.

I just nodded my head and decided to just wait for him on the living room. Kailan na naming bumalik agad at baka hanapin na kami ni Rad.

Akmang uupo na sana ako nang makarinig ako ng boses sa di kalayuan. Mula sa pwesto ko ay naaninag ko ang bukas na pinto na siyang magtutungo sa kanilang terrace. It was slightly opened at doon pa nanggagaling ang tunog.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon