MUCC5: Girl

1.7K 57 0
                                    

Wendy's Pov

"You look happy,"

Mas lalong lumapad ang ngisi ko nang makarating ako sa kusina. My Mom were busy cooking our breakfast habang si Manang naman ay nakita kong abala sa labas at nagdidilig ng halaman.

Wala naman akong lakad ngayong araw pero ewan at napagtripan kong mag-ayos. Talagang gumawa pa ako ng bandana at naglagay ng liptint for the first time kasi tangina.

Sinong hindi kikiligin sa nangyari kagabi?

Halos mangalay na nga 'yung labi ko sa kakangiti hanggang sa pagtulog. I even found myself waking up with a smile plastered on my lips.

Kaya paano hindi gaganda ang gising ko ngayon? May pa part two pa ata ang magandang gising ko.

"Lagi naman po akong masaya ah," I said pursing my lips after I sat in front of our island counter.

Nakita ko kung paano ako tinaasan ng kilay ni Mom at nginitian. I even found her wearing her usual pants and clothes. She must have waken up early since the restaurant needs her there.

"Iba naman ngayon. Is there someone behind that smile sweety?"

Bigla akong namula sa sinabi ni Mom. I know that I always tell her about Rad. I was honest with her all the time kaya nagawa kong sabihin sa kanya lahat. But this one's different.

This is something that I wouldn't expect to happen. Kaya paano ko sisimulan?

"Is it Rad?"

I pursed my lips before shrugging. Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa dahilan para mas lalo akong mahiya sa nangyari.

"Oh sweety. You're a young lady now. I know what it feels like. Bakit pinansin ka na ba?" She giggled.

Paano ko ba 'to sasabihin? Baka magbago isip ni Mom kapag nalaman niyang muntik na akong mabagok nung isang araw.

"He's my classmate Mom," I said biting my lower lip.

"Oh? Really? Edi magsisipag ka na niyan sa pag-aaral mo?" She teased.

"Mom naman!"

"Biro lang. You're already doing your best sweety and I'm proud of that. Mapapaaga na lang siguro 'yung pasok mo sa school kasi kaklase mo na siya?" She said before placing the food she made in our counter table.

"Parang ganun na nga po," balik ko pa bago ngumisi.

"Ikaw talaga. You should eat your breakfast first. Sabay na tayong kumain," aniya at hinawi ang takas kong buhok.

I smiled at her and nodded playfully. She's been so sweet to me ever since I first laid my soul in this world. I'm lucky I have her as my mother. She's the greatest gift I ever had.

Sometimes I couldn't imagine my life without her and my Dad. They showed me how love can be so powerful in this world. Masaya ako na sila ang magulang ko.

I grew up comprehending the real meaning of life. And that is learning on how to love your own family.

"Alam mo. I sometimes think of meeting Rad in person. What do you think about that?"

Halos maibuga ko na ang kinakain ng magsalit si Mom. She's always so random! Muntik na akong mabulunan sa biglaan niyang sinabi.

"Mom!"

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ