MUCC20: One Gaze

1.1K 34 0
                                    

Wendy's Pov

"Ayos pa ba puso natin diyan?"

Napakurap ako ng biglang magsalita si Amara. We were now heading our way out from the campus. Ngayon ay susunduin ako ni Dad, we decided to eat dinner outside kaya buti na lang at naging maaga ang dismissal namin. Hanggang ngayon ay naka pe uniform pa rin kami pero nakapagpalit na ng top.

"Para kang sira ngumiti," saad naman ni Arkie. I pulled his hair dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.

"Alam mo kanina ka pa!" Suway ko.

"Aray ko po!"

Agad ko siyang binitawan nang magreklamo ito. He looked at me with his pouted lip.

"Joke lang, eto naman. Buti nasalo ka nga ni Rad eh, halatang pati buto mo sa tuhod marupok din sa kanya." he said before he shook his head.

"Ewan ko sa'yo,"

They both laughed at my reaction. Hinayaan ko na lang ang dalawa hanggang sa makarating kami sa labas ng school. My lips creased when I saw our car on the side, agad akong nagpaalam sa dalawa na mauuna na ako sa kanila. May sundo rin kasi sila ngayon kaya hindi kami makakasabay.

I immediately opened the front foor of our car and saw Dad inside with a wide smile on his lips.

"How's school?"

Agad kong inayos ang seat belt ko bago kami umalis na ng tuluyan sa school. I looked at him while he's driving.

"Ayos lang naman, Dad. Pe lang naman 'yung pinagkaabalahan namin kanina." I said.

Walang balak na ikwento sa kanya ang nangyari. Nakakahiya! Tiyaka mas mabuti na 'yung hindi niya alam at baka ano pa ang isipin. It was an accident for sure, but a beautiful one. I smirked at the back of my head.

"That's good to hear. And prepare yourself tonight, we'll be having dinner outside." aniya na agad ko namang ikinatango.

"Sounds good!"

I heard him chuckled after that, hinayaan naman niya akong buksan ang stereo at magpatugtog, we were just vibing with the music at nagulat pa ako ng biglang sumabay si Dad nung mag chorus ang kanta. I laughed with him after that.

When we arrived home, agad akong umakyat sa itaas para maghanda. I took a quick shower at nanlalagkit ako sa pawis ko kanina nung mag pe kami. After that I just wore my high waisted jeans and white tank top, pairing it with my white sandals ay agad akonh lumabas para salubungin ang magulang ko.

Our night was amazing, we just went on a fancy restaurant and talk about random things as we were cathing up with each other. Naging ganoon lang ang dinner namin hanggang sa makauwi kami.

Kinaumagahan, I almost hissed when I felt my body aching. Kahit na ginawa naman namin ang proper warm-up hindi pa rin nakatakas ang epekto ng pe sa katawan ko.

Nanginit naman ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kahapon sa amin ni Rad sa field. It was chaotic, but definitely not regretting the moment.

Bumangon ako mula sa pagkahiga at dahan-dahang pumasok ng banyo para maligo. I did my usual routine hanggang sa makababa ako sa kusina para kumain ng breakfast with my parents.

Just like yesterday, Dad did drive me to school again. Agad akong nagpaalam sa kanya nang makarating.

"Bye!" I gave him a kiss on the cheeks before leaving.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Where stories live. Discover now