MUCC11: Luck

1.3K 43 5
                                    

Wendy's Pov

I never felt so happy before. Ang bilis ng mga pangyayari na parang kailan lang nung sinabi ko na hindi na ako magiging marupok, tapos ngayon olats din naman.

Hirap kasing iwasan.

Blessing yung dumating tatanggihan ko pa?

Alam kong hindi ko din matitiis si Rad. Paano ba 'yan? Malakas dating niya sa akin.

"Pinagpala ka girl?" Sambit ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa classroom namin.

Halos tumalon na ako kanina pagkatapos ng pag-uusap namin. He even looks like he wanted to hug me dahil lang pumayag ako na sumali sa banda nila.

Asa naman ako. Pero 'yung tingin niya talaga sa akin. Para akong matutunaw dahil hindi nawala 'yung ngiti sa labi niya ng sinabi kong oo.

Jusko.

Sagot ko 'yun sa kanya kanina. Paano pa kaya kapag 'yung matamis ko ng oo  'yung marinig niya?

In love na siya sa akin no'n. Alam ko naman na doon din 'yung tungo namin dahil talagang mamayang gabi sisimulan ko na 'yung ritwal.

Nakahanap kasi ako ng YouTuber kagabi at talagang naantig ako sa content niya. Tangina. Ikaw ba naman.

Ritwal upang maging patay na patay siya sa'yo.

Ritwal para hanap-hanapin ka ng taong mahal mo.

Ritwal para mabaliw siya kakaisip sa'yo.

Ritwal para maghiwalay ang taong mahal mo at ng kabit niya gamit ang asin at tubig.

Tangina. Title palang parang gusto mo ng maging mangkukulam. Hindi ko nga alam kung tanga lang ba talaga ako o desperada ng makuha siya.

Pero syempre joke lang. Hindi naman talaga ako nanood nun. Sus, bakit ako manonood? Hindi niya nga hinalo 'yung asin sa tubig eh, muntik pa ngang mahulog 'yung litrato sa kawali buti na lang na e pause ko.

"Uy, hindi pa din nakabalik si Arkie?"

Natigilan ako ng biglang sumulpot si Miro sa harapan ko ng pumasok ako ng room.

"Nakita mo bang kasama ko siya?" Pilosopo kong tugon.

"Grabe ka naman. Nagtatanong lang 'yung tao," aniya at napakamot sa ulo.

"Ah, tao ka?" I said smirking. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Kung hindi ako tao. Eh ano ako sa'yo Wendy? Bagay?" aniya pa sa nanghahamon na boses.

"Oo, tutal pinaglaruan ka lang naman niya diba?"

Halos matawa ako sa kanyang reaksyon. He's now frowning at me looking hurt from the words I just said.

"Ang sama mo talaga, alam mo 'yun?" Aniya bago ginulo ang buhok ko.

I gasped and pinched his arms. Tangina sirain niyo na lahat, wag lang buhok ko.

"Gago ka naman!" I said before marching back to my seat.

He was then left there laughing. Mukhang masaya dahil sa kanya ang huling halakhak.

Pake ko naman.

At least sa akin may magandang nangyari.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon