MUCC1: Classmate

6.2K 95 43
                                    

Wendy's Pov

Roses are red,
Violets are blue,
Can you hear my heart?
It only beats for you.

Ganito pala pakiramdam kapag in love no? Nagiging baduy ka bigla. Kahit aminin mo man o hindi. Sometimes you get to realise that the best way to express your feelings is to write them through poetic words.

Malayang tula man ito o kahit na walang tugma. Nilalaman naman nito ay siyang higit na mahalaga.

Just like how you define love and him at the same time. Putting flowery words that can make you smile thinking of him while writing. 'Yung bang tamang hanap lang din ng synonyms sa Merriam para mas magmukhang pro 'yung mala poetry mong gawa.

Tangina. Ganyan talaga siguro kapag in love. Kung hindi ba naman sapat ang mga salita. Why don't try writing them down?

Paano naman kasi 'yung mga umaasa? 'Yung bang gusto mo siya pero hindi pwede. Gusto mong lumapit pero hindi mo magawa. Kasi bakit ka pa susugal? Kung alam mo namang may gusto na siyang iba.

Hirap pa namang kalabanin ng mga karibal. 'Yung bang maganda siya pero cute ka lang. Matalino siya ikaw mano-mano lang. Talented siya tas ikaw ano na? Ultimo pagguhit ng bilog mukhang triangle pa.

Swerte nalang siguro kung padamihan ng taba 'yung pag-uusapan dito. Panigurado may chance pa na ako 'yung manalo.

Hay buhay. Parang life.

Sabi pa nga nila.

Ang crush ay nagsisimula sa mata, tumambay sa isip, naging bukang bibig, at sa huli naging pag-ibig.

Hakdog sa'yo. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganun ang pinaniniwalaan nila.

Nagsimula din naman kami sa tinginan ni crush pero naging tambay naman ako. Tangina literal akong naging tambay beh kasi lagi ko siyang inaabangan sa labas ng classroom nila tuwing uwian. Syempre ako naman si tanga hindi nagpahuli at naging stalker pa.

Bukang bibig ko din siya lagi sa mga kaibigan ko. Minsan nga ramdam ko na 'yung inis sa kanila na parang gusto na nilang lagyan ng packing tape 'yung bibig ko dahil ang dami ko daw sinasabi. Naiisip ko din na baka hindi lang talaga simpleng paghanga 'yung nararamdaman ko para sa kanya.

Naging pag-ibig nga sa huli, pero alam kong ako lang naman 'yung may pakealam. Kasi sino ba naman ako sa buhay niya? Ni hindi nga ako pinapansin nun ang mahalin pa kaya?

Songs bro.

Cheers to the love we can't have.

Sana all nalang talaga sa mga pinagpala sa pag-ibig. Daig pa ata ako ng mga grade four students na may jowa na.

Tangina paano 'yun?

Ako nga hanggang stalk lang. Tamang sulyap lang kapag dumaan siya sa harapan ko. Tapos tangina grade four?

Jusko.

Anong brand ng gayuma ba?

Expired na ata 'yung nabili ko kaya walang epekto.

Pero hindi siya manhid ah 'yung crush ko. It's just that he's known to be the campus heart-throb.

Like let's be honest, sino bang hindi magkakaguso sa kanya?

Masyadong ginalingan paggawa sa kanya eh. Matalino na tapos gwapo. Talented pa tapos mayaman.

Ganda din ng genes beh. Sarap magpalahi.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang