Oo nga pala, ako ang may kasalanan kung bakit may kasalanan din siya sa akin... Hanudaw?

"Galit ka ba?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya.

Hindi ito kumibo at umiwas ng tingin sa akin.

"Silence means yes... So galit ka nga?" ulit kong tanong sa kaniya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" inis niyang tanong.

"Ako lang naman ang tumulong sa tito mo sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain para sa birthday party niya." paliwanag ko sa kaniya.

Nakita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat.

"Bakit ikaw pa?" tanong niya.

"Why not?" nakangisi kong sagot.

"Pero alam kong may iba ka pang balak kaya ka nandito." sabi niya.

"Paano mo naman nasabi? Manghuhula ka ba?" pabiro kong sabi pero parang hindi naman ata marunong makipagbiruan ang isang 'to.

"Ano na naman ba?" iritadong tanong nito.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.

"Alam kong hindi pa din kayo nagkakaayos ni Macey..." tugon ko.

"She's here..." dagdag ko sabay may isang dumating ang babaeng kakabanggit ko pa lang ang pangalan na kanina pa ata naghihintay ng aking hudyat para lumabas.

"Again?" inis na tanong ni Darren.

Nagkibit balikat na lang ako.

"Basta dapat bago matapos ang araw na 'to, ayos na kayo." sabi ko sabay umalis na sa terrace nila Darren at iniwan ang dalawa.

So paki-explain nga kung bakit ko 'to ginagawa? Hay...

× × ×

Darren's POV

Isang katahimikan ang nanaig sa paligid ngayon na para bang hinihintay lang namin kung sino ang unang maglalakas loob na magsalita.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Ano na naman ba 'to?" seryoso kong tanong nang hindi tumitingin sa kaniya.

Ramdam ko ang pagtitig nito sa akin ngayon kaya pilit kong iniiwasan ang pagtingin sa kaniya pabalik.

"S-Sorry... Sorry kung naging selfish ako." panimula niya.

"Nandito ako ngayon para pakinggan naman ang side mo." dagdag pa niya.

"Wala ka na dun." tipid kong sagot.

"Darren naman." mahina nitong sabi.

"Namatay sila Mommy at Daddy sa Canada, one year ago dahil sa car accident. Wala akong makausap. Hindi ko alam kung sinong lalapitan ko. Wala pa akong kahit sinong kakilala doon maliban sa ibang relatives ni Daddy. Nandun lang naman kami for a vacation kaso hindi ko naman alam na magiging tragic ang vacation na yun. Tinatawagan kita at tinetext pero wala kahit isang sagot. Sobrang nahirapan ako sa mga panahong yun. Nung bumalik ako sa Pilipinas, inaasahan kong magkikita na tayo dito sa Manila pero wala ka na pala...Wala na pala akong babalikan." pagsasalaysay ko sa nga nangyari.

EscapeWhere stories live. Discover now