~Night~

"Let's Go~~~!!!" Angela said na parang excited na excited.

"Teka Angela, wala pa si Chris." Shuzette said.

"Oo nga, teka? Pati si Jiro and Ica wala pa aah, asan kaya yung tatlong yun?" Tanong naman ni Migs.

"Parang nakita ko sila kanina na papunta sa kakahuyan kanina." Jun said.

"Oh? Tara puntahan natin." Sharmaine said.

"Di na kaylangan, nandyan na sila oh." Lance said, kaya naman napalingon kami sa bandang pinto, naunang pumasok si Jiro na mukhang badtrip ang mukha.

"Oh, Jiro, ba't ganyan mukha mo?" tanong ko naman.

"Walang kwenta yung mga kasama ko mag-ayos." Jiro said.

"Mag-ayos ng ano?" tanong ko ulit. Pero di na nya ako sinagot, umakyat nalang sya sa kwarto. Nakita naman namin na magkasama si Chris and Ica.

"Saan kayo galing?" tanong ni Angela.

"Aah, may pinagawa kasi sa amin si Jiro." sagot ni Chris.

"Ahaha. Oo kaso puro epic fail ang gawa namin ni Chris." Ica said.

"Oh? Anyway, tara na, dinner na tayo." Pag-aaya ni Sharmaine.

"Ay, Oo nga pala, sorry nakalimutan ko." Chris said.

"Oo nga pala, kahit ako nakalimot, teka magpapalit lang ako." Ica said.

"Teka lang huh, magpapalit na rin ako." Chris said.

Nakakapagtaka yung Tatlong yun? Si Chris and Ica masayang tignan ba't si Jiro badtr--- teka? may pangyayari bang hindi namin alam?

At nang matapos na yung dalawa magpalit ng kani-kanilang damit saka sila bumaba papunta dito sa pwesto namin, eh si Jiro bakit wala pa? Kaya tinanong ko si Chris kung nasaan si Jiro.

"Tol, asan si Jiro?" I asked.

"Aah, ayaw nya raw sumama dito nalang daw sya, tingin ko nabadtrip talaga sya samin. Ahahaha." Masayang sagot naman ni Chris, nagtataka talaga ako sa kanila.

"Oh, ayaw nyang sumama?" Shuzette said.

"Oo, ayaw eh."

"Ok, tara na!!!" Angela said, ba't parang mas excited pa sya, anong meron sa Samgyup House na nakita nila kanina?

Sumakay kami sa isang sasakyan dito, nagkasya naman kami kasi malaki ito, Van kasi sya. At nang makarating kami sa Samgyup House.

"Aba! Talagang nakahanap kayo ng magandang Place aah, ahahahaha" Chris said.

"Oo naman noh!" Shuzette said..

"Mukhang balak nyo talagang butasin yung bulsa ni Chris aah." Ica said.

"Naman Ica noh, nanalo ka sa Chess Battle nyo kanina eh."

"Ako ba yun?" tanong ni Ica.

"Hello! Oo kaya.”

"Ahaha, pasensya na, ulyanin eh. Ahahah."

"Ahaha, kala nyo mabubutas nyo bulsa ko huh, eh tingin ko palang dito parang mura pa nga toh eh."

"What?" tanong ni Ica.

"Oo kaya, mura lang dito."

Nag-iismile lang ako sa kanila then nahagip ng tingin ko si Angela na may kausap ng lalaki. Hindi ko marinig yung usapan nila eh, ang ingay kasi ng mga babae dito pati na sila Chris, Lance and Migs.. Lalapitan ko sana sila kaso lumingon sila dito sa amin and naglakad pabalik sa pwesto namin. Ipinakilala naman sa amin ni Angela yung kasama nyang lalaki.

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon