“Ma’am Clarisse, sorry po sa abala. Pero request kasi ng employees nyo na makasama kayo sa party.”

Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila. Besides, naisip ko rin… If I wanna be close to them, I should be friendly. Plano ko naman kasi sana na sumama talaga. Kaso nagkataon naman na wala ako sa mood. Naisip ko na lang na pumunta doon at umalis na rin agad. O mas magandang hilingin na sana wala sya sa party na iyon.

This will be our last night in Misibis. Bukas ng umaga kasi ay babalik na kaming lahat sa Manila. Kaya naman naisipan ng organizer ng team building na ito na magkaroon ng bonfire party with all those barbeque and stuffs.

“Andyan na si Ma’am Clarisse!” I heard Chuchay’s voice again. Parang sya lang yata ang maingay sa lahat ng empleyado ng RCF.

Ngumiti ako sa kanila nang makalapit ako.

“Hi, guys. Sorry late ako. Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog ako.” I lied. Dahil mula noong bumalik ako sa suite galling sa sunset cruise,  ni hindi man lang ako dinalaw ng antok.

“Ok lang, Ma’am. At least nandito na kayo. Makakapagsimula na tayo!”, somebody gave me a wooden chair and I sat on it.

“Makakapagsimula saan?” I asked curiously.

“Truth or consequence.” Automatic akong napalingon sa nagsalita. And I saw Jake sat beside me, smiling so wide. “Hi!”

“Jake! Kumusta ang paa mo? Okay ka na ba?” I remember yesterday, we were about to stroll around Misibis. Pero sumakit na naman ang injured nyang paa so he needed to get back to the hotel and rest. That left me with Ice alone.

“I feel better. Nakita na kasi kita.” I just pouted. Umandar na naman ang pagiging best actor nya.

“Corny mo. You don’t have to act yet. Wala naman sya sa paligid.” I said referring to Ice. “Anyway, what’s with truth and consequence all about? Akala ko ba bonfire party to?” napansin kong isa-isa nang umuupo paikot sa bonfire ang  mga empleyado ng RCF.

“Yes, it is. But with a twist. It will be like an open forum. You are allowed to share things you want.”, napatango ako. But with truth or consequence? That game is just for kids. I admit, nilaro ko rin iyon noong bata ako.

The game has started.

“Alright. Give a number!”, sabi ng organizer.

“Nine!”

“Fifteen!”

“Twelve!”

Kanya-kanya sila ng bigay ng number.

“Okay, we’ll go with nine. Now, you choose. Left or right?” tanong ulit ng organizer.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon