"Sa labas. Sandali lang talaga ito. Kailangan lang talaga namin ng tulong mo. Okay lang ba?"

"Um... sige. Kung sandali lang naman."

"Great! Halika at ipapakita namin sa'yo."

Sumunod siya rito. Sandali lang naman kaya pumayag siya. Customer niya ito kaya hindi siya pwedeng umayaw.

Dinala siya nito sa likuran ng club sa may parking lot. Tumigil sila sa isang sasakyan at binuksan ng isang lalaki ang pinto ng kotse.

"Saan ba 'yung ipapagawa ninyo sa akin?" tanong niya.

"Nasa loob. Hinahanap kasi namin ang susi ng kasama ko pero hindi namin mahanap. Since maliit ka naman, baka pwede ikaw na lang ang titingin baka mahanap mo."

Nagdadalawang isip man siya pero... "Si-sige."

Papasok siya sa loob ng biglang may humawak ng mahigpit sa kanyang braso. Natigil siya at sa kanyang paglingon, isang lalaki na galit na galit na nakatingin sa kanya.

"Hey!" sigaw ng isa sa mga lalaking kasama niya. "Anong ginagawa mo?!

"Can't you see may ginagawa kaming importante dito?!"

"Important? You mean to kidnap this girl?"

Nagulat ang dalawa at hindi makapagsalita. Nagpatuloy ang lalaki. "You're trying to lure an innocent woman para sa mga ka*ga*guhan ninyo? Ganyan ba ka-atat 'yang mga ari ninyo para gumawa kayo ng krimen?!"

"Huh? It's not like we do that shi---"

"Sure you would. Cause if you do something like this again, I will make sure your precious dic*ks will be cut off!"

Bigla siyang hinila ng lalaki papalayo hanggang makarating sila sa kabilang bahagi ng club. Hingal na hingal siya dahil sa bilis ng paglalakad nito. Hindi rin niya kayang mapakawalan ang sarili dahil sa mahigpit nito pagkakahawak sa kanyang braso.

"Ganyan ka ba?!" sigaw nito sa kanya. "Ganyan ka ba na basta-basta na lang sumasama sa ibang tao? Na hindi mo man lang inalam anong kailangan nila sa'yo? Gosh! Are you... are you that naïve?!"

"A-ano kasi..." Ano daw?

"Papaano kung sumakay ka sa sasakyan nila? Alam mo ba saan ka nila dadalhin? If I didn't get here in time, edi dinala ka na kung saan-saan! What? Wala ka bang sasabihin?"

"Um..."

"Ba't ka ba sumama sa kanila?"

"Ano kasi, humingi sila ng tulong sa akin kaya pumayag at sumama ako. Ang sabi sa akin, kapag nasa harapan ko ang customer dapat maging magalang at aliwin ko sila."

Parang hindi yata ito masaya sa sinabi niya. Napahinga ito ng malalim.

"Teka, sino ho ba kayo?"

Nagulat ito. "You don't remember--- hindi mo ako natatandaan?"

Umiling siya.

"Fine. Ako lang naman ang may-ari ng bahay na pinasukan mo."

Natatandaan na niya ngayon. Ito pala ang may-ari ng bahay na iniwan siya ng kanyang ama.

"So, natatandaan mo na?"

"Ah, oo. Pero, hindi naman ako pumasok para gumawa ng masama. Ang sabi kasi ni Papa na doon muna---"

"Yeah, yeah, alam ko na 'yan. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka umuwi sa inyo?"

"Umuwi nga ako. Salamat pala sa binigay mong address at konting pera. Nakauwi naman ako sa bahay pero pagdating ko doon, wala ng tao. Mukhang inabandona na ang bahay ni Papa pagkaalis nito papunta sa malayong lugar kaya nakapagpasya ako na maghanap ng lugar na matutulugan at mabuti na lang nakahanap din ako ng trabaho." Kwento niya.

"Kaya napagpasyahan mo na maging waitress sa isang club?"

"Oo. Hindi ko naman ito desisyon. Napadpad lang kasi ako dito at may nakilala ako at tinulungan ako. Nang malaman niya ang nangyari sa akin, kinupkop niya ako at tumulong na makapasok ako sa pinagtatrabauhan niya."

"Pwede ka naman umuwi sa inyo? Sa totoong tirahan mo."

"Sinabi ko na nga 'di ba na hindi ko alam o natatandaan saang isla ako nakatira. Kaya nga nagiipon ako ngayon para makatulong hanapin ang address at kapag nahanap ko ang totoong address ko, uuwi ako agad."

"Okay, kuha ko na. Gusto ko, umalis ka na sa pinagtatrabauhan mo. Kailangan mo ng mag-resign."

"Umalis?! Hi-hindi pwede! Kailangan ko ng trabaho para makapag-ipon ako ng pera." Pinaalis na nga siya nito sa bahay pagkatapos sasabihan pa siya na umalis sa trabaho niya? Nahihibang na ba ang lalaking 'to?

"Baka mapano ka pa dito. Hindi mo ba nahalata ang gagawin nila kapag sumakay sa sasakyan ng taran*ta*dong 'yun?"

"Wala naman nangyari sa akin dito, ah!"

"Wala? Na kidnapin ka ng dalawang 'yon? Iyon ba ang gusto mo?"

"Wala ngang nangyari sa akin. Meron lang pinapatulong ang dalawa pero inistorbo mo."

"Abat---!" Huminga ulit nito ng malalim. "I need to calm down. What's wrong with this woman?"

"Hindi kita maintindihan. Babalik na ako sa loob baka hinahanap na ako doon." Tatalikod na siya ng bigla ulit siyang hinawakan sa braso para pigilan siya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong niya.

"Hindi pa tayo tapos magusap. Okay. Sorry sa inasal ko kanina. Ang gusto ko lang na kailangan mo ng mag-resign dahil... dahil..."

Hinintay niya ang susunod nitong sasabihin pero mukhang nagiisip pa ito. "Sir, kung aalis ako saan naman ako pupunta? At saan naman ako kukuha ng perang gagastusin ko? Eh, ano naman ang sasabihin nila Alice at Papa Bear kapag sasabihin ko sa kanila na aalis na ako sa trabaho?"

"Papa Bear? Whatever it is, kailangan na kailangan mo ng umalis dito. Nandito ako dahil tumawag sa akin ang Papa mo."

"Si-si Papa? Tumawag?!" Totoo ba ang sinasabi nito. "Nasaan na siya? Kumusta na siya sa trabaho niya? Anong ginagawa na niya ngayon?"

"He said na sorry dahil hindi nito pinaalam sa akin agad na darating ka at tungkol naman sa pakiusap niya na doon ka muna sa bahay, nakiusap siya at... walang problema. Doon ka muna sa bahay titira."

"Ta-talaga?"

"Habang hindi pa nakakauwi ang Papa mo, doon ka muna sa bahay. Gusto mo ikaw ang tagalinis ng bahay, sige ikaw ang bahala. May sarili kang kwarto, Kahit ano pwede mong gawin."

"Ga-ganoon ba?" Masaya siya na tumawag ang kanyang ama pero bakit nalulungkot siya?

"Payag ka ba? Or meron kang gustong request or kahilingan, ibibgay ko para pumayag ka lang."

Nagisip siya kung ano ang gusto niya. Meron, meron nga siyang gusto.

"Gusto ko sana..."


To be continued.

"I'm so, so sorry sa recently revision at maraming dagdag sa chapter na ito. Medyo naghalo-halo na ang mga iniisip kong mga susunod na mga scenarios sa kwento. Recently din, napapansin ko na marami na ang nagaganahan na basahin itong THE BILLIONAIRE'S ADOPTED. Kaya naman sa abot ng aking makakaya, magaUpdate ako para mas mage-exciting at mas gaganahan kayo tangkilikin ang kwentong ito. Sobrang malaki ang tulong ng inyung suporta para pursigido pa akong magsulat ng kwento. Salamat po!" -L.X.

If you like the story so far, kindly leave a VOTE and also COMMENT what your thoughts about the story. See you in the next chapter!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now